Chapter 20

269 24 0
                                    

KACEY KIM

"Anong gusto niyong panoorin?" Tanong sa amin ni Hartley pagkadating namin sa sinehan.

"Gusto ko sana romance." Suggest ko.

"Pambabae masiyado, action nalang."  Sabi naman ni Josh na hanggang ngayon pa din, hawak ang kamay ko.

"Uhm, comedy, gusto niyo?" Si Hartley naman ang nagsalita.

"Hindi ko type ang comedy e." Reklamo ni Josh.

"Ako din." Sabi ko din.

Napangiwi naman si Hartley saka napakamot ng ulo.

"Horror nalang." Si Soobin na bumuntong hininga pa saka nauna nang pumila sa bilihan ng ticket kahit hindi pa kami sumasagot.

Napatitig naman ako sa likuran niya. Ang tahi-tahimik niya simula kanina, hindi talaga siya umiimik. Hindi ko maintindihan kung ano yung problema niya at pinapabayaan niya ang sarili niyang mapanisan ng laway sa pananahimik niya.

Kanina din, nang tinitignan ko siya iniirapan niya ako na parang may nagawa akong napaka-laking kasalanan sa kaniya. E ni hindi ko nga siya kinakausap o hinahawakan kahit dulo ng daliri niya tapos kung makairap siya sa akin akala mo naman may masama akong ginawa sa kaniya.

Minsan talaga nakakainis na yung pagiging moody niya, dati naman hindi siya ganiyan. Dati, walang oras na hindi niya ako nginingitian pero ngayon nagagawa na niya akong irapan.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya at nagbago siya ng ganiyan.

Napabuntong hininga nalang ako saka sumunod sa kaniya. Sabi niya horror daw e, wala naman akong magagawa dahil nakabili na yata siya ng ticket. Kahit natatakot akong manuod, sige nalang.

Binigay na sa amin ni Soobin yung ticket kaya dumiretso na kami doon sa sinehan na pagpapanuoran namin. Binigay na namin yung ticket namin sa guard na nagbabantay saka pumasok.

Umupo kami doon sa bandang gitna. Medyo madami din yung tao, parang sikat kasi yung papanuorin naming movie ngayon.

Soobin | Ako | Josh | Hartley

Ganiyan ng pwesto namin, kaya medyo hindi ako kumportable dahil katabi ko si Soobin.

"Kapag natatakot ka, yumakap ka lang sa akin." Sabi ni Josh sa akin habang mapang-asar na ngumisi.

"Tigilan mo ako Josh. Baka nga, ikaw pa ang yumakap sa akin sa takot."

"Sus! Mas matatakutin ka kaya sa ating dalawa."

"Bakit? Matatakutin ka din naman ah?" Asar ko sa kaniya.

"Atleast, mas matapang naman ako kaysa sayo." Bawi niya naman kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Manahimik ka na nga, Joshua Jung." Madiin kong tawag sa buong pangalan niya.

In instant, nalaglg ang balikat niya at nawalan ng emosyon ang mga mata niya. Alam kong yan ang kahinaan niya, tuwing tinatawag ko siya sa buong pangalan niya, nagkaka-ganiyan siya.

Pero nawala din agad yon, napalitan yon ng mapang-asar niyang ngisi.

"Mahal din kita, Kacey Kim." Sabi niya.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Where stories live. Discover now