Chapter 3

296 20 32
                                    

KACEY KIM

Sabi sa akin ni Mommy, mahirap daw maging mahirap. Pero para sa akin, parang hindi naman. Naeenjoy ko nga ang buhay ko ngayon kasama si Soobin kahit mahirap, sa totoo lang mas masaya pa nga ako dito kaysa sa mansyon namin.

Habang nandito ako, nagagawa ko lahat ng gusto ko. Malaya ako. Ang sarap pala talagang maging malaya ano? Walang pumipigil sayo kapag may bagay kang gustong gawin. Walang sisita sayo o pagbabawalan ka.

Sana ganito nalang palagi.

Nakahiga ako ngayon dito sa kama. Nandito ako ngayon sa isang kwarto na walang nag-mamay-ari. Mukhang ito yung guest room ng bahay ni Soobin. Sabi niya, dito daw muna ako hangga't dito ako nakatira sa bahay niya.

Nasa akin din ang electric fan na binili namin kanina. Sabi ko nga sa kwarto niya nalang ilagay kaysa sa akin dahil siya naman talaga ang bumili, tsaka nakakahiya dahil nakikitira lang naman ako dito.

Pinipilit ko siya pero ayaw niya namang pumayag. Sabi niya sanay na naman daw siya kahit mainit. Naakonsensya ako non kaya lang ayaw niya talaga e, kaya wala na akong nagawa.

Masaya din ako dahil hindi siya nagtatanong tungkol sa buhay ko. Though, ayaw ko naman talagang sabihin pero nagpapa-salamat ako dahil hindi niya ako pinipilit.

*knock*knock*

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang may kumatok sa pintuan ko. Tumayo ako para buksan yon at nakita ko si Soobin na nasa labas. Napaiwas agad ako ng tingin ng makitang wala siyang damit pang-itaas.

"B-Bakit ka nandito? M-May kailangan ka ba?" Sabi ko habang nakayuko. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil kita ko ang hubad niyang katawan.

"Ah, wala naman. Gusto lang kitang i-check kung maayos ka sa kwarto mo." Sabi niya.

"A-Ahh... Ayos naman ako. G-Gusto mo bang pumasok?" Yaya ko sa kaniya.

"Hindi na, hindi naman ako magtatagal. Nga pala, maaga akong aalis bukas. May pasok kasi ako, isa akong waiter sa isang restaurant tsaka maaga yung duty ko. Mag-iiwan nalang ako ng almusal mo bukas at para naman sa tanghalian mo, magsasaing na agad ako saka bibigyan nalang kita ng pera para pambili mo ng ulam. Kay ate Ely ka nalang bumili, doon sa karinderya niya." Mahaba niyang sabi. Napanguso naman ako, ibig sabihin maiiwan akong mag-isa dito.

"Hindi ba pwedeng corned beef nalang ulit ang ulam ko?" Request ko sa kaniya.

"Hindi pwede. Hindi maganda kung corned beef ang kakainin mo araw-araw. Hindi yon healthy." Sabi niya sa akin.

"Okay." Bigo kong sabi. "Pero Soobin..." Tawag ko ulit sa kaniya.

"Bakit?" Tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago maglakas-loob na tumingin sa kaniya. Agad namang nag-init ang pisngi ko ng makita ang katawan niya. Bakit ba kasi siya nakahubad?

"H-Hindi ba pwedeng sumama sayo? Ayoko kasing maiwan dito e." Sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko. Ginawa niya naman akong bata, hindi naman porket pangbata ang height ko ay gaganyanin na niya ko. Palibhasa ang tangkad niya.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Where stories live. Discover now