Epilogue

525 23 10
                                    

CHOI SOOBIN

15 years later...

"...At alam mo ba kung ano ang sinabi sa akin ng Papa mo noon?"

"Na mahal ka daw po niya hanggang sa pag-guho ng mundo."

"Wow! Ang galing naman ng baby ko, alam na alam."

"Paanong hindi malalaman e, ilang libong beses mo nang inulit sa kaniya ang kwentong yan." Sabat ko nang marinig ko ilang nagku-kwentuhan na naman sa love story namin ni Kacey.

"E hindi naman siya nagsasawa e, di ba? Lacey?" Tanong ni Kacey sa anak naming babae.

"Nakakasawa na kaya, Mama." Sabat naman ni Yoobin, ang panganay namin.

"E di wag kang makinig, kuya, wala namang pumupilit sayo." Bawi naman ni Lacey kay Yoobin na dinilaan pa talaga nito.

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse ko, pupunta kasi kami ngayon sa bahay nina Mama, ang magulang ni Kacey. Balak kasi naming iwanan ang dalawa sa kanila dahil aalis kami ni Kacey ngayon, ikawalong anibersaryo na kasi namin ngayon bilang mag-asawa kaya balak naming umalis para na rin makapag-liwaliw.

"Mama, hindi po ba talaga ako pwedeng sumama? Promise po, magiging good girl ako." Rinig kong sabi ni Lacey.

Kahit hindi ko siya tignan, alam kong nakanguso siya ngayonp at nakataas pa ang kanang kamay. Tsk, manang-mana talaga sa mama niya.

"Sorry, anak, hindi talaga pwede e. Tsaka walang magbabantay sa kuya mo, alam mo naman si kuya Yoobin di ba? Makulit yan kaya kailangan niya ng body guard. Ayaw mo ba non?" Pang-uuto ni Kacey.

Narinig ko namang napasinghap si Lacey.

"You're right, Mama. Makulit nga po pala si kuya, okay po, hindi na po ako sasama. Babantayan ko nalang si kuya." Si Lacey ang nagsalita.

Napangiti nalang ako sa kabibohan ng anak kong babae, samantalang itong anak ko namang lalaki, walang oras na hindi nakapasak sa tenga ang earphones. Naman niya ang ugali ko noong kabataan ko, ganiyan kasi ako dati.

Hanggang sa maihatid namin ang mga bata sa lolo't lola nila ay naghaharutan pa din ang mag-ina ko.

"Yoobin, bantayan mo si Lacey, okay? Kapag may nangyaring masama sa kaniya malalagot ka sa akin." Ako ang nagbilin kay Yoobin na bored na nakatingin sa akin ngayon.

"Opo, 'Pa." Tamad niyang sabi.

"Good." Sabi ko at ginulo ang buhok niya. "And also, take care of yourself." Dagdag ko sabay yakap.

"Opo." Sabi niya saka gumanti ng yakap sa akin.

"Bye, Mama and Papa!" Kaway sa amin ni Lacey nang makapasok na kami sa kotse.

Kumaway naman pabalik sa kaniya si Kacey bago ko paandarin ang kotse. Habang nagda-drive ako ay hawak ko ang kama ng asawa ko na ngayon ay natutulog. Napagod yata dahil sa kadaldalan ng prinsesa namin, sa lahat ba naman kasi ng paglilihian niya kay Lacey, si Josh pa talaga na sobrang daldal at makulit.

Nang makarating kami sa Tagaytay ay nag-check in agad kami sa hotel, inalalayan ko si Kacey sa paglalakad dahil inaantok pa siya.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Where stories live. Discover now