Chapter 16

67 52 5
                                    

Ice.
    
   
Everything is hard. Everything will be hard and everything will always be hard. No matter what you do, even if you cry a river of blood, you can never stop life being hard. Especially when you can't undo the things that already happened.

Immature pa ako at wala pang kaalam-alam sa mundo. I didn't know what was the feeling to love and to be loved. Kung naranasan ko man, ako lang yata yung nagmahal. Alam ko naman na kahit anong gawin ko, walang magbabago. He'll always stay like that.

Maybe I might learn that no matter how hot the sun is, the ice will never melt.

***

"Why?" Tanong ko kay Brett na hindi parin tumitingin sa kanya.

Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sa ibang direksyon. Napangiti ako at siniko siya, sinama ko narin ng apak sa paa para masaya. Dahil sa inis? Sa galit? Baka both.

"Sadista ka talaga."

Tumingin ako sa kanya. "Gusto mo pa?" Tanong ko.

"Ng halik? Oo." Binatukan ko siya na may kasama pang apak ulit sa paa para mas masaya.

"Masakit? Oo?" Tinaas niya yung dalawa niyang kamay na parang sumusuko na sakin. Mabigat kasi yung kamay ko kaya alam kong masakit.

The main reason kaya ayaw kong maging nurse. Baka mamaya mas lumala yung kalagayan ng pasyente ko 'pag nagkaganon.

Napatingin ako sa direktion ni Kayden, at as usual, walang pakialam sa paligid. Kahit yata mamatay ako ngayon, hindi parin niya ako titingnan. Tuwing english class, ganyan naman siya palagi.

***

"I'm sorry." He said pero umiwas nalang ako ng tingin. Kanina parin kami tinititigan ni Denisse.

Nalaman ko pala na inisabay pala siya ni Gerard papuntang school at nasiraan pa daw, kaya ayon, late na siyang pumasok. Parang dati umiiyak-iyak pa yan pag nakita siya, angyare ngayon? Ayon, nahulog na naman yata sa kanya. Sa karami-raming isda sa dagat, siya pa yung napili niya.

"Sa totoo lang, ano ba nangyari sa inyong dalawa? Nalate lang ako ganyan na kayo?" Tanong niya.

Nakikita ko yung mga tao na tinitignan kami at nagbubulungan pa sa gilid. Eh paano, sumasabay na naman si Brett samin.

"Dati hindi naman sila pinapansin. Mga papansin talaga sila."

"Is he for real? They're not even pretty."

Sinipa ko yung paa ni Denisse nang nakita ko siyang patayo na sana. Tinignan niya ako at ako naman ay umiling. Ayoko ng gulo. Mahirap na. Kami na nga yung pianguusapan, madadagdagan pa.

"Hayaan mo na sila." Sabi ko. Tumaas yung gilid nguso niya at nagsimula nalang kumain.

"Teka teka. Hindi niyo pa sinasagot yung tanong ko. What happened to the both of you?"

Nakita kong tumingin si Brett sa kanya. "I ki-" bago pa man niya sabihin ng buo, inunahan ko na siya.

"He accidentally kissed me on my cheek. It was nothing, okay?" Biglang lumaki ang mga mata niya na may matching pang takip bibig na expression. Napairap rin ako dahil sa inis ko kay Brett.

"Brett, wag na wag mong lolokohin yang bestfriend ko ah. Sapak aabutin mo sakin."

"Sampal lang kaya mo, noh."

"Sira. Parehas naman yung sakit non."

"Hindi kaya."

Tumayo ako at kinuha rin yung tray ko. Kinuha ko narin yung gamit ko para hindi na ako makabalik sa table na ito at makita yung mukha ng lalaking 'yon. Everytime I see him, naaalala ko yung paghalik niya sa pisngi ko, tapos sumakto pa yung timing ni Kayden. "Mauuna na ako sa classroom."

And I got this strange feeling . . .

No. It wasn't like, lalo na hindi love.

Parang palanado ang lahat.

Every single detail. Sana naman nagfefeeling lang ako dahil alam kong hindi magagawa ni Denisse 'yon.

Pagkaalis ko sa canteen, pumunta ako sa waiting area na malapit sa entrance ng school namin. Umupo ako at niyakap yung bag ko. Twenty minutes pa bago yung math subject namin kaya alam kong magtataka sila Denisse kung bakit iniwan ko sila.

Ewan ko ba.

Palagi nalang ako may nararamdaman na ang daming mali.

Yung to the point na may sinasabi akong parang ganyan, parang ganito. Hindi ko kasi mapigilan e.

Paglingon ko sa kaliwa, nakita ko si Kayden na papunta cr. Babatiin ko sana siya nang maalala ko yung ginawa ni Brett sa cheeks ko. Virgin pa kaya yung mga pisngi na yan! Ngayon hindi na...

Nang makita ko ulit si Kayden na palabas na don sa gilid ay tumayo ako at pinuntahan siya.

"Anong next class mo?" Tinignan niya ako pero hindi niya ako sinagot. Nagdirediretso lang siya na lakad habang ako nakabuntot sa kanya.

"Nagmamadali ka?" Nagtanong ako ulit. He gave me a small nod. Kahit hindi ko talaga ginagawa 'to, sinupportahan ko yung sarili ko na kaya ko to.

Humarang ako sa dinaraanan niya at tinitigan siya sa mata.

"What?" Tanong niya.

"Bakit hindi ka sumasagot sa mga tanong ko?"

"Do I need to?" Ouch ha?

Hindi ako nakasagot. Hindi ko kasi alam kung ano isasagot ko eh. Alam ko naman na mahina ako kapag natatamaan ako. Nung sinabi niya yan, parang nawala lahat ng confidence ko sa sarili. Pati narin yung self support na ginagamit ko para humarap sa kanya.

Tinawag ko yung pangalan niya. Huminto siya pero hundi siya lumingon. "Anong problema mo?" Buong lakas kong tinanong.

Sawakas. Lumingon rin siya.

"What?" Yan lang yung sinagot niya.

Grabe, ang sakit na ng dibdib ko. Nararamdaman ko naman yung mga luha ko sa mata pero pinipigilan ko nalang.

"Sorry. dahil hinalikan ni Brett yung pisngi ko. Malakas lang naman kasi yung trip niya sa buhay–"

"Look. I don't know what you're talking about." Sabi niya. "If ever he kissed your cheek, I don't give a dxmn about it."

There. He hit a nerve. Again.

When he walked away, a tear left from my eye. Alam kong makikita ako ng maraming tao pero wala akong pakialam. I don't know kung may mukha pa ba akong ihaharap pa sa kanya.

After that, I never knew that he was that cold.

But I knew that the sun will cool the ice down. Not today, but maybe one day.

Endless YouWhere stories live. Discover now