Chapter 15

62 49 2
                                    

First class.
    
   
Alam kong may sinayang ako na pagkakataon. Kung siguro wala akong alam tungkol sa kanya, baka sumama na talaga ako doon. Pero hindi e. Hindi naging ganon.

Alam kong tanga ako. Yung tipong tanga na nga bulag pa. Pero may utak naman ako ginagamit.

If the brain won't work itself, then the heart might just hurt because of it.

Korny ko ba na naman?

Hayy. Ilang oras na yung nakalipas at hanggang ngayon, iniisip ko yung kanina na kasama si Kayden. Pero syempre, uwian na at buti nakatakas ako kay Brett kundi lagot talaga ako doon.

Teka. Sinabi ko ba talaga yon?

Pero currently, hinahanap ko si Denisse sa faculty. In-excuse kasi siya sa apat na subjects. Bale mga limang oras na siya wala dito.

Uwian na pero hindi parin niya ako tinetext. Nasaan na kaya yon?

"Cat!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

Si Jia pala. Yung isa kong kaklase sa Biology.

"Bakit?"

"Nagmamadali kasi ako, si lola kasi narush sa hospital." Napalaki ang aking mata.

"Hala. Sana mabuti yung kalagayan niya." Sabi ko sa kanya. Yung lola kasi yung nagaalaga sa kanya habang yung tatay niya nagtatrabaho.

"Pero, may favor sana ako." Parang nagdadalawang isip pa siya. She used to help me with some questions kaya willing naman ako tulungan siya.

"Ano 'yon?"

May kinuha siya mula sa bag niya na isang malaking libro. Yung dictionary para sa mga gustong mag-psychology ba yung tawag don? Basta!

"Pwedeng pakibalik yung libro na 'to? Kasi deadline ngayon eh."

I nodded my head. "Pwede naman. Tsaka malaki yung babayaran kapag hindi binalik after ng deadline diba?"

Yinakap niya ako ng saglit. "Shiz! Thank you talaga! Pupuntahan ko na yung lola ko ah? Sobrang nagaalala talaga kasi ako."

"Sige sige. Pakibati ako sa kanya ha."

Pagkatapos non, nagpaalam siya at tumakbo papunta sa sakayan ng jeep. Tumingin ako sa mabigat na librong hawak ko at ang library card niya na nasa loob.

Napabuntong hininga ako at pumunta sa library.

Malapit lang yung faculty sa entrance ng school, pero malayo naman sa library, nasa kabila pang building. Doon, kitang-kita mo yung soccer field pati narin yung mga students na nagpapractice tumakbo. Naalala ko na dito nalaman ni Brett na may gusto ako kay Kayden.

Napatawa naman ako.

Nang makarating na ako sa library, binigay ko sa librarian yung libro pati narin yung card. Nilagyan niya yung date kung kailan binalik at yung mismong title ng libro.

Medyo natagalan siya doon dahil titignan niya physically yung libro kung may damage ba or sulat. Habang ginagawa niya yon, napatingin naman ako sa lahat na nasa library, at napahinto sa dalawang pamilyar na pigura.

Si Denisse at si Gerard.

Gerard was her first love, at hanggang ngayon, siya parin naman. Siya yung sinasabi kong hindi na siya maalala. Alam kong masakit para kay Denisse yung nangyaring aksidente sa kanya pero, bakit magkasama sila ngayon?

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Nakita kong napahinto si Denisse sa kakasalita sa kanya. Tumingin siya sa akin na may nanlalaking mata.

"And who are you?" Tumaas yung sulok ng labi ko. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya na ang tanga niya para hindi maalala yung babaeng mahal niya.

Endless YouWhere stories live. Discover now