Chapter 12

63 51 4
                                    

Silip.
    
     
May nilapag sa harapan ko yung nagpeprepare ng para sa debut ko. There were three notebooks which I think are planners.

"I want you to pick a concept. Yung kulay blue-" turo niya don sa may fireworks na natoebook. "Mga Disney yan. Tapos itong-" Bago siya makatapos sa sasabihin niya, sinabi ko nalang kung ano yung nasa isip ko.

"I want a masquerade themed debut. Make it enchanted as you can." I told her before standing up. Kinuha ko na rin iyong mga gamit ko dahil alam kong malapit na akong malate.

Mga 8:00 ako nagising and our classes start at nine kaya laking gulat ko nalang at tinawag pa ako ni mom sa baba para lang sabihin kung ano yung gusto kong theme or maybe concept, basta! They told me that I can only tell it every morning dahil wala yung babaeng nagoorganize and nagpeprepare. Kasalanan ko bang magising ng late? First of all, wala naman akong sinabi na gusto kong magdebut.

Tsaka they should make time for their clients kung ganon.

"Umangkas ka." May huminto sa harapan ko na isang motor.

Tumingin ako sa kung sino yung nagmamayari non. Umiwas ako ng tingin at dire-diretsong naglalakad papunta sa sakayan ng jeep.

Nang hindi ko na makita si Brett ay umupo ako ng tahimik sa bench at naghintay ng isa pang jeep. Dahil nga may pasok ngayon ay agad-agad na may dumating na jeep kaya pasakay na ako kung walang naglagay ng kung ano sa ulo ko.

Tinanggal ko iyon at nalamang helmet pa yung nilagay.

"Sabi ko umangkas ka diba?" Sabi niya.

"Paano kung ayaw ko?"

"Wala kang choice."

Sa huli, binalackmail ako ng lalaking yan! Talagang nambubwisit kahit ang aga-aga palang. Kaya gaya ng sinabi niya, umangkas nalang ako. He just might drive his motorbike full speed like before at natatakot ako don.

Bago pa man niya paandarin iyong motor niya ay may sinabi muna ako sa kanya. "Brett, masarap mabuhay, okay?"

"Sige. Humawak ka nalang ng mahigpit."

Humawak ako sa balikat niya pero kinuha niya bigla yung mga kamay ko at nilagay sa bewang niya. "Diba sabi ko mahigpit?"

"Malay ko ba." Inirapan ko tuloy siya.

Katulad ng sinabi ko sa kanya, hindi nga niya binilisan yung pagmaneho niya. Yung sakto lang naman. It wasn't that slow yet it wasn't that fast either. Nilagay ko pa nga yung isa kong kamay sa taas e.

Nang makarataing na kami sa school, bumaba na ako at binalik sa kanya ang helmet niya. "Thanks." Sabi ko bago tumalikod sa kanya.

"Catty." Napahinto ako nung tinawag niya ako.

I faced him with my usual bored face. "What?"

Ngumuso siya sa likod ko. "Ano?" Tanong ko ulit sa kanya.

Napakamot siya sa ulo niya at lumapit sakin. "Crush mo nasa likod mo." Napataas ang aking balahibo nang binulong niya sa akin ang mga katagang 'yan. Bakit ba tumataas 'yung balahibo ko? Hindi ko naman sila nakikita pero bakit ko ba sila nararamdaman.

"H-ha?" Nauutal kong tanong na pinagsisisihan ko. Kasi naman, ngumiti na naman ang loko, parang akala mo may nagawang masama na ikinatuwa pa niya.

"Sabi ko, crush mo nasa likod mo." Nanlaki ang aking mga mata, ang lakas kasi ng pagkasabi niya! Halatang sinadya niya talaga!

Pinalo ko siya sa likod. "Ano ba! Hinaan mo nga boses mo!"

Pinat niya nalang ulo ko. "Kausapin mo na. Lumalakas na confidence mo naman eh."

"At lumalakas naman yung confidence mong guluhin buhay namin." Inirapan ko siya. Narinig ko pa nga siyang tumawa. Yung tipong sarcastic kung baga. Mas lalo tuloy akong nainis pero hinayaan ko nalang dahil ayaw kong masira yung mood ko sa kanya. Alam ko naman na fifteen minutes nalang at start na ng klase. I was hoping if I would . . .

Spare five more minutes with him.

Nakita ko siyang naglalakad na papunta sa class niya na nasa kabilang building kaya sinundan ko siya. Nung umakyat siya ng hagdanan, binilasan ko yung lakad ko at tumabi sa kanya. Nasa kaliwa niya ako pero hindi parin niya ako binibigyan ng tingin. Nakikita ko na yung first class niya pero hanggang ngayon ay hindi parin niya ako pinapansin.

Huminto ako sa paglakad pero siya tuloy-tuloy parin. Ano ba 'yan.

Nung malapit na siya sa pintuan, tinawag ko yung pangalan niya. Huminto siya pero hindi siya lumingon. Medyo hinarap niya yung ulo niya sakin na parang sumilip lang siya sa kanang balikat niya at tinuloy ang lakad papunta sa class niya.

Napaatras ako sandali at bahagyang nakaramdam ng kirot sa may dibdib ko, kahit wala naman ako nun.

Bakit ang sakit nung hindi man lang niya ako pinansin. Parang dati lang kinakausap niya ako, pero ngayon, para na akong hangin na nakapaligid sa kanya.

"Cat."

Lumingon ako sa tumawag at nakita si Denisse na palapit sa akin.

"Anong ginagawa- ah. Mukhang alam ko na." Napailing nalang siya. Halos pareho naman kami ng pinagdaraanan e.

"Talaga 'to. Parang akala mo hindi sumisilip sa gym ah."

"Sira ka talaga. 'Wag mo nang iparinig." Sabi niya nalang sa akin.

Bago kami umalis ng AM building, sumilip lang ako ng bahagya sa classroom nila at nakitang nakahead-phones na naman siya. Parang bumilis yata yung tibok ng puso ko nang makita siya na ganon yung pwesto. Nakatingin kasi siya sa bintana habang may nakapatong na headphones sa kanyang ulo.

Parang. Mahal ko na yata siya.




***

Ayieeyon naman pala hehe. Don't porget toh bot en coment, este don't forget to vote and comment.

*AM building stands for Apolinario Mabini Building

Endless YouWhere stories live. Discover now