Nineteen - (Another's point of view)

Beginne am Anfang
                                    

"Stupid mo ulo mo!"

Marahas siyang lumingon at masama ang timpla nang mukha niya. "Anong sabi mo?!"

Napalunok ako at sumagot, "W-Wala ah.."

Bakit ba badtrip ang isang 'to? Niligtas ko na nga, eh. Moody! Weirdo! Panget! Hindi magkakagusto si Selena sayo kasi bipolar ka!

"Tsk." hindi na niya ako pinansin at naglakad na lang paalis habang nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng track pants niya.

Naiwan naman ako dun na nakatingin sa kanya at pagkalipas ng ilang segundo ay agad rin akong humabol.

"Teka lang!"

Hindi niya ako pinansin o nilingon, tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Aba! Nangii-snub ang loko! Akala mo gwapo! Oo nga gwapo sya pero mas charming ako so dapat hindi niya ako inii-snub 'no!

Binilisan ko ang paghabol ko.

"Teka lang sabi! Jirong asungot, kabayo ka ba?! Bakit ang bilis mong- Uhmp!"

Dahil sa tumatakbo na ko dahil di hamak na mas mahaba ng biyas ng hinayupak na 'to at mas mabilis siyang maglakad ay di agad ako nakapagpreno. Kaya nang bigla siyang tumigil sa paglalakad ay bumangga ako sa likod niya.

"A-Aray ko pooo.." mangiyak-ngiyak kong bulalas habang sapo-sapo ang kawawa kong ilong.

"Ano bang gusto mo ha, fairy?!" bakas na ang matinding yamot sa tono ng boses ni Jiro. Kinurap ko ng ilang beses ang maluha-luha kong mga mata saka tumingala kay Jiro.

"W-Wala ka ba talagang utang na loob? Niligtas kita ng dalawang beses ah!" complain ko habang hinihimas ang ilong ko.

"Niligtas rin naman kita ah?! Quits na tayo kaya lumayo-layo ka sa'kin! Tsk, faggot."

Hindi ko na pinansin ang pang-iinsulto niya at full of righteousness and dignity na nagsalita. "Hindi pa tayo quits! Isang beses mo lang akong niligtas, ako dalawang beses kitang niligtas! At saka baka nakakalimutan mo yung ginawa mo sa'kin sa school?! Hindi ka pa nga nagsosorry dun, eh! Marami kang utang sa'kin!"

"Anong gusto mong gawin ko?! Magpasalamat sayo?!" nanggigigil na sabi niya. Nakakatakot tumingin, parang gusto niya kung sapakin ng matinde ah! Pero hindi ko na lang pinansin yun.

"Hindi ko kailangan ng thank you mo. Pero para quits na tayo, gawin mo ang favor ko." seryoso kong sabi. Lalong kumunot ang noo niya at alam ko na kung anong pumapasok sa utak niya kaya muli akong nagsalita, "Hindi ako hihingi ng pabor na lalabag sa moral ng isang tao. Wag kang mag-isip ng kung ano, hindi kita type. Kailangan ko lang mangheram ng cellphone para ma-contact ang ate ko." paliwanag ko.

Naningkit ang mga mata niya.

"At bakit ko naman kailangang gawan ka ng pabor?" mapang-uyam na tanong niya.

Binasa ko ang ibabang labi ko bago sumagot, "Dahil alam kong kahit ganyan kabaho ang ugali mo, may konsensya ka parin. Kaya para patulugin ka ng konsensya mo, tulungan mo ko."

"Hah.." mapang-asar na singhal niya saka humalukipkip. May nakakainis na ngisi sa labi niya habang ang mga mata niya ay nanunuya. "You're lost."

The School's Fairy | BxBWo Geschichten leben. Entdecke jetzt