Unang Kabanata

618 10 0
                                    

"Hiwalayan mo na nga sabi eh."

Napaisip ako.

"Hindi ko kaya."

Napabuntung-hininga si Denny.

"Ang tigas rin ng puso mo no? Pang-ilang beses mo na ba siyang nakitang may iba? Ha? Diba nga maraming beses na? Kung ako sa iyo Irish hihiwalayan ko na yan."

Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko.

"Dalawang taon din kami Den. Hindi ganun kadali yun."

"Bakit kayo lang ba ang yung nagkahiwalay na two years ang relationship? Irish, madami. May iba ngang five years!"

Tinitigan ko siya habang humihikbi.

"Akala ko ba tanggap mo yung relationship namin?"

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito ng mahina.

"Alam mong tanggap ko . Hindi ako humadlang pero kung makikita kitang ganito parati parang hindi naman tama yun. Sobra-sobra na yung nabigay mo pero tumigil ba siya? Masaya ako noon dahil masaya ka pero ngayon anlabo na. Hindi ka na masaya Irish."

Ngumiti ako sa kanya, pero alam kong hindi yun umabot sa mga mata ko.

"Masaya ako Den."

"Lokohin mo na lahat, wag lang ako."

Tumawa ako ng mahina at kumuha ng tissue para punasan ang hindi matigil-tigil na pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Halika na. Wag mong sayangin ang luha mo dahil lang sa walang kwentang tao! Magsasaya tayo ngayon."

Pinatayo niya ako at pilit pinapasok sa banyo para maligo. Niyaya niya akong samahan siya sa bar at uminom. Ayaw ko pero mapilit siya kaya wala akong nagawa.

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari kanina.

"Aahh, please Chris!"

Sinapo ko ang noo ko at isinantabi lahat ng nasa isipan ko. Tahimik akong umiyak. Masakit. Sobrang sakit. Pinagkatiwalaan ko siya. Minahal ng sobra. Hindi ko inakalang magagawa niya sakin ito ng paulit-ulit. Parati ko siyang pinagbibigyan dahil mahal ko siya pero di ko inakalang aabusuhin niya.

Sinusuntok ko ng mahina ang bandang puso ko, baka sakaling mawala ang sakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil pakiramdam ko wala akong kwenta. Wala akong kwentang kasintahan dahil naghanap siya ng iba. Ayaw niya ba sa masyadong mabait? Ayaw niya ba sa masyadong mahinhin? Ayaw niya ba sakin dahil hindi ko maibigay sa kanya yung pangangailangan niya bilang isang lalaki. Tinakpan ko ang bibig ko at impit na sumigaw. Ayaw kung marinig ni Denny na umiiyak na naman ako. Baka mag-aalala na naman siya.

BreakdownWhere stories live. Discover now