Kabanata XXV

116 6 0
                                    

"Ang bango mo. Nakakaadik sobra. "

Ramdam ko ang bawat haplos ng kamay niya sa buhok ko, mukha tuloy akong hinehele ng kamay niya.

"Hmm."

Tanging sagot ko. Feeling ko tuloy sobrang puyat ko at kailangan ko ng taga-masahe. Inaantok ako sa ginagawa niya.

"Are you sleepy?"

"Hmm?"

"Or you want to cuddle?"

"Shh.. "

Sobrang ingay niya. Gusto kong marinig ang tibok ng puso niya at dahil sa boses niya hindi ko tuloy marinig. Naramdaman ko ang paglakbay ng mga daliri niya sa likod ko at bahagyang menamasahe ito at minsan kinikiliti. Hindi ko napigilan gumalaw.

Dahan-dahan ang ginawa niyang masahe kaya mas lalo akong inaantok. Weakness ko pa naman ang ganito dahil madali akong nakakatulog. Bago ako na dinalaw ng antok narinig ko siyang magsalita.

"Kim?"

"Hmm?"

"You are so tempting."

"Ano?"

Binuksan ko ang mga mata ko at itinaas ang ulo ko bahagya para makita ang mukha niya. Halos nakapikit siya habang kagat-kagat ang mga labi. Napatayo ako nang may maalala. Kanina pa pala kami dito sa kwarto. Namimilog ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Siya naman parang nahihiya na ewan. Namumula ang mukha niya at mabilis na kinuha ang unan para takpan ang hita niya.

"I-Im sorry. I c-cant control i-"

Napakunot naman ang mukha ko. Wala akong ideya kung anong tinutukoy niyang kinontrol. Inayos ko ang sarili. Habang siya, mataman lang na nakatitig sakin.

"Anong sinasabi mo diyan? Kailangan ko ng bumaba, yung sinaing! Nakalimutan ko."

Kinagat niya ang labi at napakamot bago nagmura. Hinawakan ko ang kamay niya para hilahin siya patayo pero binawi niya.

"Damn. Naive."

"Ano?"

"Mauna ka na. Comfort room lang ako."

Tumango ako bago lumabas ng kwarto. Narinig ko para ang pagmumura niya ng ilang beses. Umiling nalang ako bago bumaba.

Ilang sandali lang ay nakita ko ng pababa si Kyle sa hagdan. Nakabusangot ang mukha niya at matalim ang tingin saakin.

"O, akala ko hindi ka na bababa. Anong ginawa mo sa taas? Ang tagal mo yata. "

Paismid kong tanong. Umiling siya at tila hindi makapaniwala.

"Don't ask, okay?"

Anong problema na naman nito? Hindi ko talaga makuha ang ugali ni Kyle. Paiba-iba, kung hindi ko lang talaga siya kilala masasabi kong sobrang sungit niya. Nagkibat-balikat nalang ako. Dahil hindi naman ako marunong mag-luto, hinarap ko siya at inilahad ang sandok. Nakatingin siya sa doon bago bumalik ang tingin saakin.

"Ikaw na magluto."

"Why?"

Mayabang niyang tanong. Bad boy.

"Ang presko talaga! Ikaw na tinatamad ako."

Tumawa siya. Alam niya kasing hindi ako marunong mag-luto. Hinampas ko siya sa balikat.

"What would you like to eat?"

Seryoso niyang tanong. Napaisip ako. Wala namang ibang pweding ulamin dahil isang chicken nalang ang natitira sa ref.

BreakdownWhere stories live. Discover now