Kabanata XII

166 7 0
                                    

"Ipasok mo na ang mga gamit sa kotse Miguel."

Utos ni mama kay kuya. Lumapit naman agad si kuya para bitbitin ang mga ito. Tumulong narin si Kyle. Kinuha ko naman yung hindi masyadong mabigat na bagahe. Ngunit biglang hinawakan ni Kyle ang handle nito. Nagtatakang tinapunan ko sya ng tingin.

"Ako na. Help Tita arrange things."

Wala akong nagawa kundi tumango. Lumapit ako kay mama at tinulungan siyang mag-arrange ng mga food containers sa isang paper bag. Nang matapos ay dinala ko ito at inilagay sa sasakyan.

Ilang sandali lang ay tapos na kami sa pag-aayus ng mga gamit at ang paglagay ng mga ito sa kotse. Akmang hahawakan ko na ang handle ng kotse sa bandang likuran nang biglang nagsalita si mama.

"Ysha. Sa harap ka umupo."

Nagtatakang tinignan ko si mama.

"Po?"

"Sa front-seat ka umupo. Baka mahilo ako sa biyahe."

Nilagpasan ako ni mama at pumasok ng sasakyan. Sumunod na rin ako at binuksan ang pinto sa harap. May pagtataka sa mga mata ni Kyle ngunit nawala rin agad.

"Okay na po ba lahat Tita?"

Tanong ni Kyle kay mama. Tumango si mama at sinabing okay na ang lahat. Pinatunog ni Kyle ang kotse at nagsimula na kaming bumiyahe. Nagplay ako ng ibat-ibang songs at minsan ay naglalaro. Sumasabay ako sa bawat kantang kabisado. Wala pa ngang thirty minutes kaming bumabiyahe ay nakatulog na si mama at kuya Migs sa likuran.

"Gusto mong matulog?"

Inilipat ko ang mga tingin kay Kyle na nasa harap lang ang tingin. Umiling ako at bahagyang ngumiti.

"Okay lang ako Kyle. Hindi ako inaantok."

Binawi ko ang mga tingin at ibinaling ang mga ito sa labas ng bintana. Nadadaanan naming yung mga pamilyar na daan at tanawin.

"Nagugutom ka ba?"

Tanong ulit ni Kyle. Umiling ako kahit na medyo kumakalam ang sikmura ko. Konti lang kinain ko kaninang almusal.

"Ikaw? Gusto mong kumain?"

Tanong ko pabalik. Tinapunan niya lang ako ng tingin bago inilipat ang mga ito sa harap.

"Nope. Mamaya na siguro."

Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. Nakangiti siya.

"Bakit hindi ngayon?"

Nagkibit-balikat lang siya at maya-maya ay hinawakan ang pang-ibabang labi. Nakaawang na ang mga labi niya habang nakahawak ang kaliwang kamay sa ibabang labi. Agad kong iniwas ang tingin. Biglang uminit ang mukha ko.

"Ayaw mo kasing kumain."

Umiinit parin ang mukha ko at hindi ko alam kung bakit. Iba ang dating niya pag-ginagawa iyon, para bang nang-aakit. Nalihis ang aking mga iniisip sa sinabi niya.

"Ha... Ano?"

Tanong ko. Tinitigan niya ako habang kagat niya ang pang-ibabang labi. Mas lalong uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Napansin niya siguro iyon dahil binawi niya ang mga tingin at ibinalik sa harap. Nakangisi na siya at bahagyang natatawa.

"I know your not yet eating Kim."

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Saan naman niya nakuha ang ideyang iyan. Sa phone ko lang ako nakatingin. Ramdam ko ang bawat tingin niya sa gilid ng mata ko.

"Paano mo naman nasabi yan?"

Nagtipa ako ng mensahe kay denny para may magawa ako. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naiilang kay Kyle ngayon. Hindi ako komportable sa bawat tinging ipinupukol niya.

BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon