Ikalawang Kabanata

340 7 0
                                    

It's the guy I hated the most.

Kyle Antony Montefalco

Sa ganitong mga pagkakataon, hinihiling ko na sana hindi ko siya makaharap. Pero itinadhana yata na gawing miserable ang araw ko ngayon.

Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko. Humahalakhak lang siya sa ginawa ko at gusto ko siyang tadyakin sa sobrang pagka-arogante niya.

"What are you doing here Miss Pineda? Naligaw ka yata."

Nakangising tanong niya. Medyo inilapit niya ang kanyang mukha para marinig ko ng maayos ang mga sinasabi niya. Naamoy ko ang panlalaking pabango niya at hindi ko ikakailang gusto ko ang amoy nito. Ipinilig ko ang ulo at tinapunan siya ng masamang tingin. Hindi ko siya sinagot bagkus ay humakbang ako at nilampasan siya.

Pinilit kong sumiksik sa mga taong nagsasayawan para makadaan. Hindi pa ako masyadong nakakalayu nang may biglang humawak ng kaliwang braso ko. Naramdaman ko agad ang presensya ni Kyle sa likuran ko. Nalaman kong siya yun dahil sa pamilyar na bango. Ramdam ko ang bawat hininga niya sa gilid ng ulo ko malapit sa tenga. Nagtayuan ang balahibo ko sa batok at hindi ko alam kung bakit.

"We're not yet done Kim. Hindi pa nga tayo nagsasayaw gusto mo na agad umalis. Come on let's dance."

Paanyaya niya. Pero alam kong hindi siya seryoso. Kailanman hindi siya naging seryoso. Kilalang-kilala ko na siya simula pa lang nung high school kami. Kaya naman hindi ako agad naniniwala sa mga sinasabi niya. Itinulak ko siya gamit ang likod ko at pagkatapos ay tumalikod ako para harapin siya.

"Please Kyle wag mo kong subukan ngayon. Kung gusto mong sumayaw, sumayaw ka ng mag-isa mo ."

Pasigaw kong sabi para marinig niya ng maayos. Imbes na ma-offend tumawa lang siya na para bang isang napakalaking biro ang sinabi ko.

"Ano? Hindi kita masyadong narinig eh. Pakilakasan nga."

Ganito siya palagi. Gagawin kang tanga. Kung ibang tao ka kakagat ka talaga sa mga sinasabi niya. Kaya nga ang daming babaeng nahuhumaling sa kanya. Pinaikot ko ang mga mata ko.

"Asshole."

Nilibot ko ang mga tingin baka sakaling makita ko si Denny. Hindi ko kayang manatili dito ng mag-isa.

"I know, I wont deny it. Unlike your faithful boyfriend."

Nanlisik agad mga mata ko sa kanya. Parang may karayom na unti-unting tumutusok sa puso ko nang dahil sa sinabi niya. Umakto siyang nagulat sa ekspresyon ng mukha ko ngunit agad ding napalitan ng ngisi.

"Oh? I mean Ex-boyfriend. Sorry my bad."

Mas lalong sumakit ang puso ko sa sinabi niya. Hindi parin pala nawawala ang tabas ng dila niya. Nakakainis! Sobrang nakakainis talaga. Ramdam ko ang pagpula ng mga pisngi ko kasabay ng pag-init ng ulo ko. Tinulak ko siya ng napakalakas ngunit parang hindi man lang siya naapektuhan. Na para bang alam na niyang gagawin ko yun.

"Pwede bang tigilan mo na ako Kyle! Kung gusto mong maglibang wag akong pagtripan mo! Kung wala kang matinong sasabihin wag mo nalang akong kausapin."

Pagkasabi ko nun ay tuluyan akong umalis sa mataong bahaging iyon ng bar. Bumalik ako sa pwesto namin ni Denny kanina at umupo sa bakanteng stool. Umorder ako ng isang inumin at agad itong ininom. Tiniis ko ang pait ng lasa nun upang maibsan ang init ng ulo ko.

Napaka-walang hiya talaga ng lalaking yun!

Bumuntong-hininga ako at kinalma ang sarili ko. Binuksan ko ang pouch ko at hinanap ang cellpone ko. Nang makita, hinanap ko ang numero ni Denny at nagtipa ng mensahe.

Ako:

Asan ka na? Bigla kang nawala. Reply Asap. I'm alone here Den.

Agad kong naisend iyon. Hindi ko yata kakayaning mag-stay pa dito ng ilang oras. Gusto ko ng umuwi pero hindi ko pweding iwan si Denny dito, baka magtampo. Ayaw ko ring umuwi ng maaga dahil alam kong malulungkot lang ako. Maaalala ko na naman ng paulit-ulit ang mga nangyari sa araw na ito at iniiwasan kong mangyari iyon. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko at nakita kong kay Denny galing iyon. Agad kong binuksan ang mensahe niya at binasa iyon.

Bestfriend:

Nasa labas ako. Sorry iniwan kita. May emergency kasi kaya lumabas muna ako. Tumawag si Papa, manganganak na raw si Ate Daisy. Hintayin na lang kita dito pwedi? Sorry talaga Rish.

Bigla akong nataranta sa text niya. Bakit hindi pa siya pumunta ng ospital, kaya ko naman ang sarili ko. Nagreply ako agad at sinabing lalabas na. Sa sobrang pagmamadali ko ay muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko, bigla kasi akong nahilo. Mabuti na lang at may biglang humawak sa bewang ko upang piagilan ako sa pagkahulog. Nang tingalain ko ay nagulat ako sa lalaking nasa harapan ko at tila tumigil ang oras.

"C-chris?"

Nakakunot ang noong tinitigan niya ako.

"I'm sorry? What?"

Napatayo ako bigla at hinarap siya. Hindi pala. Mali ako ng inaakala. Hindi siya si Chris. Kamukha lang pala. Biglang sumikip ang puso ko. Wala nga palang pakialam si Chris saakin. Nginitian ko ang lalaki sa harap ko at umiling.

"Wala. I thought you're someone else."

Ngumit siya pabalik at inalalayan ako sa pagtayo.

"He must be handsome."

He chuckled. Hilaw akong ngumiti dahil totoo. Pagkatapos nun ay nagpasalamat ako sa ginawa niya. Mabilis ang mga hakbang na dumaan ako sa gilid ng dance floor. Nakipagsiksikan pa ako para lang makadaan. Unti-unti akong nahilo sa sobrang dami ng nagsasayawan. Dumagdag pa ang mga klase-klaseng mga ilaw sa paligid.

Nilibot ko ang tingin at nahagip ko ang malamig at seryosong tingin ni Kyle. Nakikipagsayawan ito sa isang babae na halos kita na ang kaluluwa sa suot nito. Inirapan ko lang siya at patuloy na naglakad palabas ng bar. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ng tuluyan. Agad kong nakita sa Denny sa may parking lot at may kausap sa cellphone. Agad ko siyang nilapitan.

"Opo pa. Papunta na kami ni Irish...Oo...Malapit lang naman yan dito sa kinalalagyan namin. Sige pa. Ingat. Love you."

Napangiti ako sa narinig. Tuluyan akong lumapit sa kinatatayuan niya. Bigla naman siyang nagulat sa ginawa ko at napahawak sa dibdib.

"What the fuck Irish? Akala ko kung sino na."

Ngumiti lang ako at nagkibit-balikat.

"Kumusta si Ate Daisy?"

Ngumiti siya ng kabado.

"Hindi ko pa alam eh. Nasa St. John sila ngayon."

Hinila ko siya kaagad papunta sa kotse. Mabuti nalang kaya ko pang maglakad ng maayos.

"Kailangan nating bilisan Den. Sakay na."

Natawa naman siya sa inakto ko. Halata yatang may tama na ako. Agad siyang pumasok sa kotse at pinaandar ito. Binaybay namin ang daan patungong St. John Hospital. Pinilit kong buksan ang mga mata ko at pigilan ang sariling makatulog. Nagsasalita si Denny pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Umiikot ang paningin ko at ilang sandali lang ay naramdaman kong unti-unting tinatakpan ng dilim ang paligid ko.




***

Hope you enjoy. :)




BreakdownOnde histórias criam vida. Descubra agora