Kabanata XVI

147 7 0
                                    

"Yes! Finally relax!"

Itinaas ni Kyra ang dalawang kamay habang nakataas ang ulo at nakapikit ang mga mata. Hinawi ko ang buhok ko at inipit ito sa likod ng tenga ko. Iginala ko ang mga mata. The view is nice and refreshing. Maraming cottages sa paligid. May nipa house rin ngunit hindi ito iyong pang-ordinaryo. Ang ganda nito at makikita mong matibay ang pagkakagawa.

"First time mo ba rito?"

Narinig ko ang mahinang boses ni Cassy at alam ko kung sino ang tinatanong niya. I know it, okay? They should get along.

"Yup."

Naglakad ako papunta sa cottage na kinuha namin. Sumabay ako kay Emy na nakikipagtawanan kina Cole at Jema.

"I don't know what happen okay?"

Gulat na sabi ni Jema. Wala akong ideya kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Of course, hindi mo mapapansin dahil busy ka.."

Sagot ni Emy. Hindi na ako nag-usisa pa at tahimik na sumunod. Inilagay namin ang mga gamit sa upuan. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Inayos ko ito at tinali into messy bun. Mabuti na lang at hindi na masyadong mainit dahil baka dito lang ako mamalagi sa cottage.

Nasa gilid ko na ngayon si Cassy na nakikipag-tawanan kay Kyle. I don't like the view now. Pinigilan ko ang kilay kong tumaas. Chillax baby. Ayaw kong magalit dahil lang sa bagay na yan. Wala naman silang ginagawang masama pero may parte saakin na naiinis.

"Sasama ka sa kanila?"

Nanunuyang tanong ni Kuya. Pinag-taasan ko siya ng kilay bago tumango. Tumawa siya at tila aliw na aliw. Baliw talaga. Umalis siya kasama si Cody at Kobi na nakangiti ngayon saakin bago tumalikod.

"Tara na Ysha! Ano? Sasama ka ba o hindi?"

Excited na tanong ni Kyra. Kinindatan niya muna si Cassy bago ako binalingan. Tumango ako at tumayo.

Dahil hindi naman ako nagsusuot ng two piece, isang simpleng black racerback bikini top at simpleng board short ang suot ko.

"Woah. I like your body. Nice curve Ysha! Pero mas maganda parin ako."

Tumawa ako. Minsan talaga may pagkabaliw tong si Kyra. Naka two-piece siya ganoon din si Cassy. Binalewala ko ang sinabi niya at nag-umpisang maglakad papunta sa kanya.

"Talaga bang wala kayong something nung Kyle?"

Medyo nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko pinahalata.

"Wala.. Bakit mo naman naitanong yan?"

"Actually, kasi bagay kayo. I mean, ibang klase yung tingin niya sayo eh. Pansin mo ba?"

Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam na ganito pala siya ka observer. Umiling ako.

"Wala lang siguro yun. Ganyan naman talaga si Kyle, kahit na sa iba."

"Hmm.. Oh-kay. But I think it's just you."

I can sense na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Magsasalita pa sana ako nang hawakan niya ang wrist ko at bahagyang hinila.

"Tara! Excited na akong mag-swim!"

Nagpatianod na lang ako nang bilisan niya ang mga hakbang.

***

Naabutan namin si Cassy na nakanguso tila may kinaiinisan. Si Jema at Emy naman nagtatawanan habang nagsasaboy ng tubig sa isa't-isa.

"Anong nangyari sayo Cas?"

Tumingin siya kay Kyra at bahagyang umismid. Pinanliitan niya ng tingin ang likuran namin. Dumako ang tingin namin ni Kyra roon at agad naming nakita sila Kuya, Kobi, Kyle at ang mga pinsan ko na nakikipag-usap sa mga babae sa kabilang cottage.

BreakdownWhere stories live. Discover now