Kabanata XXIV

119 4 0
                                    

"Are you okay?"

Pilya kong tanong. Matalim ang mga mata niya habang sabay kaming naglakad pauwi.

"Yeah. "

"Bakit parang galit ka?"

"I'm not."

Umirap ako at binilisan ang paglalakad. Ang sungit na naman. Kainis. Hindi ko siya pinansin. Kung ayaw niya akong kausapin edi huwag! Naramdaman kong sinasabayan niya ako. Pero hindi parin ako kinakausap. Wala naman akong maalala na kasalanan sa kanya ha!

Nang malapit na kami sa bahay ay huminto ako at hinarap siya. Nanliliit ang mga mata ko sa inis.

"Ano bang problema mo?"

Nagpakawala siya ng hininga at mapupungay ang mga mata habang nakatingin saakin.

"I'm sorry. Wala to."

Nag-iwas siya ng tingin. Hinawakan ko ang braso niya bago pa siya makaalis.

"Wala? Eh ano to!"

Tinuro ko ang mga kilay niya. Nakakunot ito at seryoso ang mga titig niya. Alam ko kung kailan siya galit o kaya nagtatampo.

"May gusto ka ba kay Alex?"

Napanganga ako sa tanong niya! Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pinilit kong wag mapangiti. Umiling ako.

"I don't think so?!"

Pagalit niyang sabi.

"Wala nga. Bakit mo tinatanong yan?"

"Ang saya-saya mo kapag kausap siya."

Nag-iwas siya ng tingin.

"Bawal bang ngumiti kapag kausap siya? Wait.. Nagseselos ka ba?"

Hindi parin siya makatingin saakin. Nakita ko ang pagpula ng tenga niya.

"So what if I am! You can't blame me. Pakiramdam ko iba ka kapag kasama ako. Ibang-iba."

Nalaglag yata ang puso ko. Hindi ko alam na ganyan na pala ang nararamdaman niya. Nag-uusap lang naman kami ni Alex at tsaka pareho kami ng course kaya naman nagkakaintindihan kami.

"Wala naman yon. May pinag-usapan lang kami sa isang subject namin."

"Yeah. Should I shift course so we can talk more? "

Sarcastic niyang tanong. Medyo nagulat ako at hindi ko alam kong maniniwala ako o hindi.

"B-baliw ka ba? Parati naman tayong nag-uusap."

"But it felt different. Naiinis ako kapag may kausap kang iba o may katawanan kang iba. I'm not a selfish person Kim, you know it. Pero kapag ikaw ang kasama ko, gusto ko ako lang. I want you to smile, laugh, and talk.. With me only."

Napatanga ako sa sinabi niya. Ramdam ko naman, pero iba talaga kapag nanggaling mismo sa kanya. Napayuko ako.

"You have nothing to worry about."

Mahinan kong sabi  Mapakla siyang ngumiti. Nalaglag naman ang panga ko. Tumikhim ako at umayos kahit na nanginginig ang nga tuhod. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Nakatitig na siya ngayon sa mga mata ko. Sobrang seryoso ng mga mata niya at may halu-halong emosyon na hindi ko masabi kung ano.

"If that is the case, will you be mine?"

Wala akong masabi. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Umiwas siya ng tingin at nakita ko ang sakit doon.

Nanatili akong nakatayo. Nagsimula na siyang maglakad nang hindi ako nilingon. Pinakiramdaman ko ang sarili. My heart's beating so loud and aching at the same time. Kahit di ko man sabihin, alam ko ang nararamdaman ko. Every time I look at him, no one else matters. I can't focus and hardly breathe.

BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon