Kabanata XVIII

109 6 2
                                    

"Irish! Enough na!"

Kinuha ni Denny sa kamay ko ang isang tequila o baka beer? Ewan hindi na ako sigurado kung ano yung mga iniinum ko! I'm don't want feel anything! I just want to feel nothing. Hilong-hilo na ako. Kaya naman pinikit ko muna yung mga mata ko.

Kaya siguro umiinom yung mga broken hearted para mawala yung sakit. Ganun naman diba? Pero hindi ako broken hearted! Masay ako. Itinaas ko ang mga kamay at sinasayaw-sayaw ito. Hindi pa ako lasing.

"Irish! You're drunk! Wag ka ng uminom. Last na yun. I swear kapag hindi ka pa tumigil, uuwi na tayo."

I pout at parang batang pinagalitan ng mama. Naka-upo lang ako habang napapapikit na nakangiti sa kanya.

"Omg. Wala na. Lasing ka na talaga."

Tumayo siya kaya biglang lumaki ang mata ko. Iiwan niya akong mag-isa rito!

"Stay here! Kukuha ako ng pagkain pampawala ng hilo. Wag kang aalis dito!"

Naglakad na siya habang may binubulong

"Patay ako kay tita. I'm so dead.."

Iginala ko ang paningin. Ang daming tao. Nagsasayawan habang ang iba nag-sswimming. Marami akong mga kakilala, puro mga schoolmates ko at mga kaibigan ni Yssa. Maraming nagha-hi sakin amd I greet them back with my sweetest smile.

May biglang umupo sa upuan sa gilid ko.

"Are you alone?"

Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Umiling ako at umirap. Presko! Narinig kong tumawa siya. May kamukha siya. Hindi ko matandaan pero ang yabang ng dating niya! Kainis.

"Bakit ba sa tuwing nagkikita tayo, parati kang nakainum?"

"Don't talk to me."

Kahit na tipsy ako, nasa tamang pag-iisip parin ako! Ang mga lalaki nato, laging nananakit ng damdamin. Mga fuck boys!

"Okay, that was new. Ang sungit mo pala."

Tumawa siya ulit. Baliw.

"I don't care."

"Hindi mo talaga ako naaalala?"

"Hindi."

"Kahit konti?"

"Wala nga!"

"Bakit?"

Tinitigan ko siya na nagbabaga ang mga mata. Ang kulit niya!

"Ewan ko sayo! Wag mo akong kausapin!"

Tumawa siya ulit na parang entertainer ang tingin niya sakin.

"You call me Chris when we first met.."

I try to scan my memories pero wala talaga akong maalala. My mind is clouded by another memory. Kaya tumigil ako sa pag-iisip. Tanging pangalan lang ni Chris ang pamilyar saakin. Pumikit ako at umiling. Gusto ko ng matulog.

"Okay ka lang? You want to go somewhere? "

Itinaas ko ang palad ko sa mukha niya. Hindi niya ako maloloko! Umiling-iling ako habang bumubulong ng kung anu-ano.

"Sobrang green mo.. Hindi kita pwedi hayaang matulog diyan."

Hindi ko na siya kinausap pa. Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko.

***

Sobrang liwanag. Tinakpan ko ang ulo ko ng kumot. Bakit may ilaw? Malayo naman ang kama ko sa bintana. Umungol ako at kinusot ang mga mata.

BreakdownWhere stories live. Discover now