Kabanata 32

107 6 1
                                    

Hindi ako nakapasok sa unang klase ko. Next week na ang finals namin kaya nag-aalala akong hindi makahabol sa lesson. Ilang sandali lang akong nanatili sa kanila Kyle dahil may klase ako ng eleven. Nakisabay ako sa kanilang nagbreakfast bago ako inihatid ni Kyle pauwi ng bahay.

Nadatnan ko si mama sa bahay na nag-aayos ng mga dokumento sa sala. Nagtaka na lang ako dahil seryoso siya habang ginagawa iyon. Binati ko na lang siya at umakyat na sa kwarto para maligo at magbihis. Bumaba narin ako agad pagkatapos.

"Ma, pasok na ako."

Tumango lang si mama pero nakita kong may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan.

"Umuwi ka agad pagkatapos na mga klase mo."

"May problema ba?"

"Wala. May pag-uusapan lang tayo. Uuwi rin ang kuya mo mamaya kaya dapat maaga kang umuwi."

Kumunot ang noo ko.

"Okay po."

Lumabas ako at pumunta na ng school. Hindi parin nawala sa isip ko ang sinabi ni mama. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Tungkol ba kay papa? Wala akong ideya kung ano.

"Napansin kong sobrang stress mo nitong mga nakaraang araw. Are you really okay?"

Tanong ni Denny. Naglalakad kami sa hallway ng school papunta sa cafeteria.

"Oo naman. I'm worrying about mama. Alam kong may problema siya Denny pero hindi niya sinasabi saamin."

Isang haplos sa balikat ang ginawa ni Denny na nagpakalma saakin.

"Did you try talking to her?"

Umiling ako.

"Natakot ako baka hindi ko kayanin ang sasabihin niya."

Napabuga ng hangin si Denny.

"Irish. She's your mom! And it's as if you will not know the truth later."

"Alam ko. Natatakot lang talaga ako."

"Don't be scared. You are love by so many people Irish, and we can back you up anytime if you have problems. Don't worry, we are always here for you."

Naiiyak ako sa mga narinig mula sa kanya. I'm so lucky to have her.

"Thank you Denny."

Naluluhang pasalamat ko. Tumaas ang kilay niya at pinaikot ang mga mata kahit na naiiyak din naman.

"Daah. I love you kahit na hindi na tayo nagkikita."

Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya. Humalakhak ako at nginitian siya. Napanguso siya.

"Why are you saying that? We are classmates. Kaya bakit naman tayo hindi nagkikita?"

"You are always with Kyle, and I, the single is so sad hearing all the lovely shits coming from Ellie and Yssa. They have boyfriends, you know."

Natawa ako.

"Humanap ka na kasi ng boyfriend!"

Panunuya ko.

"Not yet. I'm waiting for someone."

Nakangusong sabi niya. Tyempo namang pagpasok namin sa cafeteria ay nakita namin si Alex sa isang table kasama ang mga barkada niya na kapareho namin ng department.

"Talking about that someone."

Tukso ko. Biglang pumula ang pisngi niya. Tumawa na lang ako at humanap ng pwesto. Isa lang ang bakante at yun ay sa gilid ng table nila.

BreakdownWhere stories live. Discover now