Ikapitong Kabanata

206 7 0
                                    

Tapos na akong magbasa pero hanggang ngayon natutulog parin si Kyle. Marahan kong tinapik ang balikat niya upang gisingin. Bahagya siyang umungol.

"Kyle..."

Bulong ko malapit sa tenga niya pero hindi parin siya nagigising. Niyugyug ko na hindi parin tumatalab. Pakiramdam ko ay antok na antok siya. Baka hindi siya nakatulog ng maayos.

"Kyle... Aalis na ako. May klase pa ako."

Mal-late na ako pag hindi pa siya gumising. Ilang sandali lang ay hinawakan niya ang kanang kamay kong nasa balikat niya. Binuksan niya ang kanyang kaliwang mata bago ang kanan. Ngumisi siya pagkatapos. Nakaramdam ako ng kaba sa ngiti niya.

"Stop smiling. Iiwan kita dito pag hindi ka pa tumayo diyan."

Tumawa siya. Sinapak ko siya gamit ang kaliwang kamay ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Alright. Ito na tatayo na so chill baby."

Mapanuksong sabi niya. Sinapak ko ulit pero tumawa lang siya. Biglang uminit ang mukha ko sa klase ng pagtawag niya. Tumayo siya pero nakahawak parin ang kamay niya sa kamay ko.

Inayos niya ang mga gamit niya bago kami umalis. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya kaya hindi ko itinuloy.

"Pumunta ka lang ng library para matulog?"

Umiling-iling ako habang sinasabi yun. Tumingin siya sakin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"I was there because of you Kim. Don't be dense."

Uminit na naman ang pisngi ko. Kailan pa siya naging ganito? Nahahawa na siguro siya sa pagiging overprotective ni kuya. Inirapan ko siya at pagalit na inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Nagulat naman siya sa ginawa ko at tumaas ang makakapal niyang mga kilay.

"What now?"

Tinaasan ko rin siya ng kilay at hindi sumagot. Humarap siya saakin habang sinasabayan parin ako sa paglalakad.

"Oh come on! Here we go again... Spill it Kim!"

Padabog niyang sabi. Parang siyang bata.

"Don't call me stupid. Nakakainis."

I'm not really that sensitive pero after ng nangyari kahapon madali na akong naiinis pag nakakarinig ng ganyan. Am I stupid for not fighting my love? I guess I am. But even if the time returns, I will always choose to surrender.

May sasabihin pa sana siya but he remained silent. Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko. Ang akala ko ay hihingi siya ng tawad pero hindi pala.

"Even if it's dense?"

Nanunuyang tanong niya. Nainis ako ng tuluyan at binilisan ang paglalakad. Nilampasan ko siya. Todo habol naman siya at panay tawag sa pangalan ko. Nakakabangga na siya ng ibang tao pero hindi parin siya humihinto sa pagsunod.

"Hey!... Okay! Okay! I'm sorry!"

Hindi ko parin siya pinapansin kahit nasa amin na ang tingin ng bawat estudyanteng nakakasalubong namin. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa paglalakad.

"Kim... I'm sorry. Hindi na mauulit. I promise."

Humihingal na sabi niya. Bumaba ang boses niya na may halong pagsusumamo. Mataman ko siyang tinitigan bago nagsalita.

"Sagutin mo nga ako Kyle. Bakit mo ba ginagawa to? Okay I get it, you're worried but I'm fine. Kaya ko ang sarili ko. Hindi mo naman kailangan ipagpilitang samahan ako. You're free, so do I."

BreakdownOnde histórias criam vida. Descubra agora