Ikawalong Kabanata

201 8 0
                                    

Tumatawa ako habang nakikitang namimilipit sa sakit si Kyle. Nandito kami ngayon sa gym. Sinamahan ko siyang magpraktis para sa gaganaping intramurals next week. Isa siya sa napili para maging basketball player ng program nila.

Nakaluhod siya at hinawakan ang bandang natapilok. Unti-unting humina ang halakhak ko hanggang sa tumigil. Napansin kong may kakaiba na sa mga kilos niya. Bigla akong kinabahan. Nakita ko kung paano niya iniinda ang sakit. Agad akong bumaba sa bleachers at dinaluhan siya. Lumuhod ako sa may paanan niya. Hinawakan ko siya sa likod at marahan itong hinaplos.

"Okay ka lang?... Kyle?"

Nag-aalalang tanong ko. Hindi siya sumagot at nakapikit lamang siya na parang pinipigilan ang sakit. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko alam ang gagawin.

"Kyle!...O my God... Wait! Dito ka lang. Hihingi ako ng tulong sa nurse."

Nagmamadaling sabi ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa nangyayari sa kanya. Baka napano siya, baka nabalian, baka.. Hindi ko na alam.

Nanginginig na tumayo ako. Aalis na sana ako nang tawagin niya ako. Tiningnan ko siya. Nakangiwi siya pero makikita mo parin ang ngisi sa mukha niya.

"Ano Kyle? Sandali lang.. Babalik ako agad!"

Naamadaling sabi ko kahit parang bumabara ang mga salitang iyon sa lalamunan ko. Tumakbo ako paalis pagkatapos kong sabihin iyon. Bago pa ako makalabas bigla siyang sumigaw.

"Don't forget to buy me chicken burger and a drink! Thanks!"

Napatigil ako sa pagtakbo. Nagpanting angad ang tenga ko sa narinig. Unti-unti ako nagmura saaking isipan. Tumalikod ako at hinarap siya. Kahit malayo ako kita ko parin ang ngisi sa mukha niya.

Uminit bigla ang ulo ko at namumula na ang mukha ko sa galit.

How dare him!

Mabibigat ang mga paang lumapit ako sa kanya. Ngumisi lang siya at tila wala pakialam. Mas lalong uminit ang ulo ko.

Nang makalapit ay tumawa siya.

"Well, that was my rev-"

Sinuntok ko siya at hindi pinatapos sa pagsasalita. Nakangangang napabaling ang tingin niya saakin.

"What the hell Kim?"

Huminga ako ng malalim.

"What was that for?"

Nagtatakang hinimas-himas niya ang pisnging sinuntok ko. Nangingilid ang mga luha ko sa galit at alam kong napapansin niya na iyon. Malumanay na ang ibinibigay niyang mga tingin saakin. Tumayo siya at hinawakan ako sa aking magkabilang balikat.

"I'm so-"

"ALAM MO BA KUNG GAANO AKO NAG-ALALA?! NANGINGINIG NA AKO SA TAKOT BAKA KUNG ANO NA NANGYARI SAYO! KYLE.. HINDI MO DAPAT GINAGAWANG BIRO IYON!"

Sigaw ko habang unti-unting umaagos ang mga luha ko. Nagulat siya sa reaksiyon ko. Hindi parin humuhupa ang lakas ng tibok ng puso ko.

Naaalala ko si papa, namimilipit siya sa sakit. Iniinda niya ang kirot na pinaparamdam sa kanya ng puso niya at nasaksihan ko iyon mula pa nung pagkabata ko. Kaya ganito nalang ang reaksiyon ko.

Hindi ko gustong ginagawang biro ang ganitong klaseng sitwasyon.

Pinunasan ni Kyle ang mga luha sa pisngi ko pagkatapos ay niyakap ako.

"I'm sorry. Hindi ko na uulitin. I'm sorry again Kim. Hush now."

Pinunasan ko ang natitirang mga luha sa mata ko. Ilang sandali lang ay tumigil na ako sa pag-iyak. Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya. Plastic na ngiti ang iginawad niya at may pagsusumamong mga mata.

BreakdownWhere stories live. Discover now