Kabanata XIX

107 3 1
                                    

Ang ingay ng gym. May nagtitilian at nagsisigawan. Kanya-kanyang istilo ang ibang department sa pagch-cheer. May balloons, banner at may mascot din. Orange ang shirt ng engineering at green naman saamin.

"Bilis Irish! Baka maunahan tayo sa pwesto."

Hinila ako niya ako hanggang makapunta kami sa itaas na banda. Punuan sa ibaba kaya wala kaming choice kundi dito pumwesto.

"O my gee. Nandiyan na si Alex! Gosh! Ang gwapo niya talaga!"

Tumawa ako. Grabe siya kung makatili. Ang nipis ng boses niya kaya tinakpan ko ang tenga ko. Nakaupo na si Alexander sa isang bleacher habang inaayos ang sapatos niya. Timingin ako sa napakaseryoso niyang mukha. Naalala ko yung mga sinabi niya tungkol sa aksidente kaya hindi ko maiwasang mangamba.

"Okay ka lang? Sabihin mo nga saakin! May gusto ka ba kay Alex?!"

"Ha?"

"Kanina ka pa nakatingin sa kanya."

Tinawanan ko lang siya. Selosa talaga. Haha.

"Hindi.. Nag-aalala lang ako baka may mangyari sa kanya."

"At bakit mo naman nasabi yan?"

Kinuwento ko sa kanya ang pinag-usapan nami ni Alex dati. Biglang nag-iba ang itsura ni Denny, mukha siyang naiiyak.

"Hindi siya pweding mag-laro! Oh my."

Pinatahan ko siya dahil talagang naiiyak na siya. Mas nag-aalala pa siya kesa saakin. Simula first year palang gusto na niya si Alex kaya hindi ko masisisi kung ganito ang reaksiyon niya.

"Relax. Kaya yan ni Alex.."

Tumango siya at nagpatuloy sa pag-cheer. Ilang sandali lang ay pumasok na ng gym ang players ng engineering. Mas lumakas ang sigawan at tilian. Kanya-kanyang tawag ng mga pangalan. Huminga ako ng malalim nang makitang pumasok si Kyle. Sinisigaw ng mga babae ang pangalan niya. Ganun din ang ginagawa ni Althea. Iniwas ko ang mga tingin sa kanya.

"Irish! Cheer please. Konti lang ang cheering squad ng department natin kaya kailangan natin ng ibang support."

"Ah. Okay.."

Wala naman akong magagawa dahil nandito na kami, may dalang banner at balloons.

"Go Alex! Go! Go! Go!"

"Kailangan ko rin bang isigaw yan?"

"Syempre. Sige na."

Sabay kaming sumigaw ni Denny. Medyo nakakahiya kaya yumuko ako ng konti. Nakita kung ngumiti saamin si Alex sabay kindat kaya naman parang kiti-kiti tong katabi ko sa sobrang kilig. Tumitili siya at ngumingiti.

"O my! Heaven!"

Tiningnan ko ang kabilang team. Nagpapractice sila ng lay-up at dribbling. Si Kyle ang huling humawak ng bola. Ang akala ko ay dederetso na siya para mag-shoot, pero tumingin muna siya sa gawi namin, na may naiinis na mukha, bago pagalit na nilay-up ang bola.

"Ay.. Galit lang? Anong nagyari dun?"

"Ewan ko."

"May saltik talaga sa utak yan."

Nang matapos na ang magkabilang team sa paghahanda, pinapasok na ang first five para simulan ang laro. Sa team namin kasali si Alex sa unang maglalaro, sa engineering naman kabilang si Kyle sa first five nila.

Kami ang unang nakahawak ng bola. Ipinasa ni Vasquez kay Alex ang bola. Nagd-dribble siya habang nakabantay naman sa kaya si Kyle. Tinitigan ko ng maiigi ang muka ni Kyle. Sobrang seryoso niya, nakakunot ang noo niya at parang masusunog ang sinumang titingin sa mga mata niya.

BreakdownHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin