Chapter 19

112 4 2
                                    

He's wearing a black coat na hanggang tuhod ang haba. Nakabukas lahat ng butones nito kay kita ang puting polo na suot niya sa loob. He look so good and at the same time intimidating. Hindi mo magawang tumingin sa kanya ng diretso dahil sa presensiya na hatid niya. Even if you mix him with a lot of people, his presence will always stand out. Nakatakip ang buong mukha niya ng itim na masakara at tanging mata niya lang nag makikita.

Palapit siya ng palapit sa akin, at sa bawat madaanan niya ay yumuyuko sa kanya. That's how powerful he is. Some do it as respect to him, but many of them bow at him because his presence is too strong to take.

Bumaba ang mga tingin niya sa katawan ko at ramdam ko agad ang galit mula dito. Nag-aalab ang mga mata niyang nagpapalitan ng kulay. Kinagat ko ang ibabang labi at dinalangin na sana mawala ako sa isang iglap. Nang nasa harapan ko na siya kaya yumuko ako at agad na tumabi. Pero lumipas ang ilang segundo pero nakatayo parin siya sa harap ko.

Sht. What the hell is he doing?

Hindi ko magawang iangat ang ulo sa takot na baka may gawin na naman siyang hindi maganda.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang nilampasan niya ako. Bumalik na sa normal ang pakiramdam ko pati siguro ang nasa paligid ko. Tumayo na ng maayos ang iba at balewalang pumasok sa loob. Inangat ko ang tingin at agad sinundan ng tingin ang Alpha.

"Here take this."

Nabigla ako nang may binato sakin si Clifford na paper bag.

"Ano 'to?"

"Change your dress and wear that."

Nagtagpo agad ang mga kilay ko.

"Para saan pa? Okay naman tong suot ko."

"If you want this night to end well nang wala masasaktan. Just do what I say Selene."

Nakita ko kung paano siya ngumisi at napailing. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya tumigil siya at tumikhim.

"Come on, follow me."

Hinawakan niya ang pulso ko nang walang paalam at hinila ako.

"Teka lang may kasama ako."

"I already told her that we need you. Wag kang mag-alala marami siyang kakilala dito."

"Then I would be glad if I could mingle with them kesa tumabi at sumama sa royal blood na katulad niyo."

"Oh Selene, you don't know what you're talking about... Stop the chitchat first cause we need to hurry."

Mabilis kaming nakarating sa likurang bahagi ng dome kung saan may maraming silid na may pangalan na nakalagay sa itaas ng bawat pinto.

Pumasok kami sa isang silid at halos malaglag ang panga ko sa ganda nito. Kasing ganda ng silid ang silid ng Alpha sa mansyon. Kita rin mula rito ang ganda ng lawa kung saan sumusilip ang buwan sa glass door ng terrace.

"Do you want me to dress you up?"

Napakurap ako at napatingin kay Clifford na nakacross arms tila nababagot. Pinanliitan ko siya ng mata at tinuro ang pinto para palabasin siya. Binaba niya ang sumbrerong suot at nakangisi na lumabas.

Naglakad ako sa cabinet kung saan may malaking salamin doon at tiningnan ang repleksyon ko. Tinanggal ko ang maskara at tiningnang maigi ang itsura ko.

Malayung-malayo sa dating ako. Napailing ako dahil sa tingin ko ay hindi bagay sa akin ang ganitong mga klaseng damit.

Kinuha ko ang paper bag na bigay ni Clifford at tiningnan ang laman nito. Isang box na itim. Agad ko itong kinuha at binuksan. I'm amaze to see what's inside the box. It's a navy blue dress. Kinuha ko ito at nilatag sa kama na nasa tabi ko.

BreakdownWhere stories live. Discover now