Kabanata 29

99 6 0
                                    

"We can refer you to a surgeon tita. May kilala kaming proffesional sa heart surgery and don't worry about the expenses we can also help."

Tumango si mama habang nakatingin kay papa habang mahimbing na natulog.

"Salamat sa tulong niyo ng papa mo Anton pero pag-iisipan ko muna."

Maganda ang offer ni Kyle pero mukhang walang balak si mama na tanggapin ito at hindi ko alam ang dahilan kung bakit.

"Just tell me if you want to accept my offer, I'll call the doctor right away."

Umangat ang tingin ni mama at ngumiti. Namamaga ang mata niya sa pag-iyak at puyat. Parang may bumara sa lalamunan ko habang nakatingin sa kanila ni papa. Sana maging maayos na ang lahat at bumalik na sa dati.

"Sabihin mo sa papa mo salamat ha? Ang laking tulong ang magagawa ng offer niyo pero kailangan ko munang pag-isipan ng maigi bago gumawa ng desisyon."

"No problem po tita."

Lumipat ang tingin ni mama saakin.

"May pasok pa kayo diba? Umuwi muna kayong dalawa at pumasok. Ako na ang magbabantay sa papa mo Ysha."

Gumala ang tingin ko sa mukha ni mama. Ayaw kong iwan siyang mag-isa rito, kulang pa ang tulog niya kaya gusto ko sanang manatili.

"Pwedi naman na akong mag-absent sa unang klase ko ma."

Tumalim ang mga mata ni mama kaya napaiwas ako ng tingin.

"Di ba sinabi ko ng hindi pwedi. Huwag ng matigas ang ulo. Babalik din naman ang kuya mo pagkatapos ng trabaho niya."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Wala na akong magagawa kahit na ipilit ko pang manatili baka pagalitan pa niya ako ng sobra. Inayos ko na ang mga gamit para maghanda ng umuwi. Nang natapos ay hinalikan ko sa mama at papa sa pisngi bago tuluyang nagpaalam.

"I don't think your mom is interested with my offer. Do you have any idea why?"

Umiling ako at nakatutok lang ang mga mata sa harap ng daan na papunta saamin. Kita sa gilid ng mga mata ko kung paano ako nakawan ng tingin ni kyle habang nagmamaneho.

"Hindi mo kailangan pumasok, we can go somewhere to help ease your mind."

Puyat ko siyang binigyan ng tingin.

"Papasok ako, baka sasabog sa galit si mama kapag nabalitaan niyang nag-absent ako ngayon."

Hinawakan ng isang kamay niya ang kaliwang kamay ko habang nakahawak sa manobela ang kabila. Kahit hindi niya sabihin alam kong nahihirapan din siyang makita ako at ang pamilya kong ganito kalungkot.

"Your dad will be okay."

Panigurado niya. Alam kong kaya ng papa ko, hindi siya agad sumusuko gaya ng kung gaano niya pinapahalagahan ang pamilya namin.

Nanatili akong tahimik sa loob ng tatlumpung minutong biyahe. Ang daming pumapasok sa utak ko sa dami ng iniisip. Halu-halo din ang nararamdaman ko ngayon lalo na ng naisip ko kung anong magiging posibleng resulta kapag natapos ang surgery ni papa.

"Kim?"

Nagulat ako at napakurap ng ilang beses. Ginala ko ang paningin at nandito na pala kami saamin. Binitbit ko ang bag at binuksan agad ang pinto ng kotse. Nagulat pa ako nang nakitang nakatayo na pala si kyle sa harap ng pinto. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin saakin.

"Salamat sa paghatid. Ahm Pasok na ako."

Nginitian ko siya bago nilampasan. Pagod na pagod ang katawan ko at kailangan ko ng konting pahinga.

BreakdownWhere stories live. Discover now