Kabanata 35

91 5 0
                                    

5 years ago...

Kinausap ko na ang mga professors ko about sa situation namin. I dont really want to but I need them to consider my favor. They all agree and give me some advice.

Gusto kong magtake ng final exams earlier since dalawang linggo na lang at finals week na. Tapos naman na kami sa thesis kaya wala ng magiging problema. Only I have to tell Kyle about this. Hindi pa kami nakakapag-usap dahil busy kaming dalawa at wala ng time para magkita.

"Hindi mo naman kailangang sumama anak."

Napakurap ako at tumingin kay papa na nakahiga sa kama.

"Gusto ko kayong samahan pa. Inaayos ko naman po ang kailangang gawin sa school kaya wala ng magiging problema."

Ilang sandali ang lumipas. Tanging mga galaw ko ang naririnig.

"Paano si Anton? Ang graduation mo? Hindi sa pinipilit kita pero may mga mahalgang bagay kang maiiwan dito."

Pero mas mahalaga kayo ngayon.

Gusto kong idagdag. Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit at napayuko.

"Maiintindihan niya po. Kakausapin ko siya."

Sobrang napaisip ako nang hapon na iyon dahil sa sinabi ni papa. Kahit na nasa school ako ay iyon parin ang naiisip ko. Sa friday ako mageexam kaya todo ang pag-aaral na ginawa ko ngayon.

"Why so serious?"

Nagulat ako nang nasa harap ko si Tan. Muntik na rin ako napasigaw sa gulat.

"Nag-aaral ako kaya wag mo akong istorbohin."

Kahit na tinulungan kami ng pamilya niya hindi ibig-sabihin okay na kami.

"Wooh. Wala pa nga akong ginagawa."

Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang ginagawa. Nasa harap ko lang siya at nakatingin sa gilid. Mabuti naman at wala siyang balak sirain ang araw ko.

Fifteen minutes na lang klase na namin kaya naisipan ko ng magligpit. Napatitig siya saakin.

"You're leaving already?"

Tumango ako.

"Klase ko na."

"Kyle wants to see you."

Biglang sabi niya. Agad umangat ang tingin ko sa kanya at napakunot ang noo ko.

"Sinabi mo sa kanya?"

Madiin na tanong ko. Talagang magagalit na ako ng tuluyan sa kanya kapag inunahan niya ako sa pagsabi kay Kyle.

"No. Gusto ka lang niyang makita. Sinabi niya sakin habang nag-uusap kami."

Biglang lumambot ang mukha ko at bahagyang napayuko.

"T-Tatawagan ko siya mamaya. Kailangan ko ng pumasok."

Tumayo ako at ninakawan siya ng tingin. Nakatitig parin siya sa mukha at parang may gustong sabihin pero nagdadalawang-isip. Tumango lang siya at hinayaan ako.

Nagvibrate ang phone ko kaya agad kog tiningnan kong kanino galing ang mensahe. May klase ako ngayon kaya patago akong nagopen ng phone. Tumambad sa screen ang pangalan ni Kyle. Agad ko itong binuksan.

I miss u so much.

Malungkot akong napangiti. Parang may karayom na tumutusok sa puso ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko hindi ko alam kung dahil ba sa gusto ko siyang makita o dahil sa mga sasabihin ko. Agad akong nagtipa ng mensahe.

I miss you too so much. I luv u.

Hindi ko pa naibaba ng phone ko nang tumawag siya. Nanlaki ang mata ko dahil nasa klase pa ako ngayon!

BreakdownTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang