___

"Magkaibigan?!!" Halos ibuga na ni Jenica ang kinakain niyang sisig, nandito kaming dalawa ngayon sa Padis Point, naisipan lang daw niya na yayain ako dahil magtatatlong araw ko na raw siyang hindi pinupuntahan sa Antipolo.

Dalawang araw na rin ang lumipas simula nang mapagpasiyahan namin ni Ethan na maging magkaibigan nalang kaming dalawa at yon ang kinukwento ko ngayon kay Jenica.

Tumango tango ako sakanya pagkatapos kong tunggain ang San Mig Lights sa harapan ko.

"Yes, friends." Nakangiting sabi ko.

"Mukha mo! Ikaw makikipag kaibigan kay Ethan? At sa anong dahilan naman? Hindi ba't sabi mo hindi ka titigil hangga't hindi siya napapasayo?" Usisa niya saakin, hindi ko sinabi sakanya ang dahilan kunh bakit ako nakipag kaibigan nalang kay Ethan at wala rin akong balak ipaalam sa kahit na sino ang sikretong iyon.

"Ano ka ba? Masama bang makipag kaibigan?" Tanong ko sakanya, humalakhak si Jenica ng nakakaloko.

"Umamin ka nga saakin, binasted ka ba ng isang Cando?" Panunuya niya saakin, nanlaki ang mata ko.

"Hoy! Hindi ha!" Tumatawang sagot ko sakanya, hindi naman talaga ako nabusted ni Ethan, kung tutuusin inamin naman niyang mahal niya rin ako, sa maling panahon nga lang.

Napabuntong hininga ako sa isiping iyon, nanahimik nalang ako habang patuloy sa pag inom. Nakikinig nalang din ako ng live band na kumakanta ngayon sa stage, nakakaloka lang dahil tagos pa yata saakin yung lyrics ng kanta.

~~Pinilit kong pigilin ang aking damdamin,

pagkat ika'y hindi na dapat pang ibigin.

Ikaw pala'y mayroon ibang minamahal,

habang ako sa ating pagmamahalan ay

sumugal.~~

Masyado yatang mapaglaro ang tadhana saakin, sinong mag aakala na magiging katulad pala ako ng Daddy ko? Nakakatawa na galit na galit ako sa Daddy ko pero ako pala itong gumawa rin ng pagkakamali niya.

~Hindi ko na kayang masaktan pa,

Hindi na maaari pang ako'y  gamitin na

isang sunud sunuran sa iyong

mga kagustuhan, at halos ang

lahat ay ibigay ko na.~~

~Hindi ko na mapapayagan pa, ang puso mo'y pag laruan ng puso kong gahaman.~

Napangiti nalang ako ng mapait sa mga naiisip ko, hindi ko malaman kung sa sarili ko ba ako naiinis o sa panahon?  Bakit kinakailangan pa na mas may mauna saakin? Akala ko ako lang yung unang nakapukaw ng lintik na atensyon ni Ethan, hindi pala, dahil may iba na siyang pinakasalan.

Hindi rin pala totoo yung kasabihan na kapag humiling ka sa tumapat na eroplano ng kotseng sinasakyan mo eh magkakatotoo. Bakit ba ako naniwala sa kalokohang iyon? Yan tuloy, ako itong nasasaktan ngayon ng sobra sobra.

__

"Ara!" Sigaw ko, pero ni hindi niya ako nilingon. Susundan ko sana siya dahil nakita kong umiiyak siya pero napaatras ako nang makita kong hinila niya si Marcus. Kita ko sa mukha nilang dalawa na parang may hindi sila pinagkakasunduan.

"Grabe, magkapatid ang tinuhog ni Ara?" Narinig kong bulong ng isang babae, humigpit ang kapit ko sa mga libro ko.

"Ano ka ba? Hindi pa ba halata sa apelyido ng babaeng yan ang kalandian niya? Binalatan." Mas lalong nag init ang tainga ko sa mga naririnig ko ngayon kaya naman naglakad na ako palayo sa lugar na iyon.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now