LII

27.6K 321 35
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors, Enjoy reading! :*


NP: When the last teardrop falls. This chapter is inspired by that song.


L.A'S P.O.V


I watch drops of water fall from the window pane. I sat on the sofa cushion. Ang bilis ng tibok ng puso ko and I can almost feel it in my ears.




"Sweetie Listen. He will be back. Don't worry. Sabi nang Doctor mas lalong makakasama sayo ang mag-isip. You should eat. Ang laki na nang ipinayat mo. Parang hindi ka buntis. Look anak, Hindi maganda ang kondisyon mo at maaaring mapahamak ang apo ko. Please? Kahit para sa bata lang. Be strong."


My Mom says my husband's name and I just continue to knitt some booties for my baby. It's been three months. It's been freaking three months! no phone calls, no emails, no messages from him. I felt neglected... and abandoned. Kami nang magiging anak namin. Pakiramdam ko tinalikuran ako nang mundo ko.


My Mom let out a sigh. I know what I'm doing and acting right now makes me seems crazy, Alam kong wala nang magbabago, but it's better than crying, it's better than whining and screaming. It's better than listening to what they're telling me. Na maghintay lang daw ako. Babalik daw sya. Hinahanap nila ang asawa ko at gumagawa sila nang paraan para makita ko ang ama nang anak ko. But I feel numb now. Ang bigat ng pakiramdam ko. Kinalimutan na siguro ako nang mahal ko, at kasabay noon... nalimutan ko na rin ang sarili ko.


Narinig kong sumara ang pinto. It's a sign na lumabas na si Mommy at mamaya ay sigurado akong babalik ulit sya para tingnan ako. Buti pa sila, hindi sumusuko. Pero ako? Kahit anong gawin kong pagpapalakas ng loob, It can't erase the fact that my husband is not with me. He left me. And it's making me crazy.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Ang luha na palagi kong itinatago kapag kaharap ko ang pamilya at mga kaibigan ko. Ngayon dalawa lang kami nang baby ko. Sya lang ang makakarinig sa iyak ko.


"Sorry baby. Kung hindi strong si Mommy" I whispered while caressing my five months blip. My blip reminds me on how long my husband is gone. Three months. Siguro magtatatalon yun pag nalaman nyang lalaki ang anak namin.


'You want a baby boy right? Your dream came true. Come back to us please'


And then I break down. I did everything. Hinanap ko sya. Sinundan ko sya Hindi ako tumigil hangga't hindi ko sya nakikita. Pero lahat may hangganan. Umuwi ako dito sa Pilipinas ng wala sya. Hindi ko alam kung nasaan ba talaga sya. I almost lost our baby that time. At nagpapasalamat ako na hindi ako iniwan ng anak ko. Kumapit sya. He's not like his Dad. He didn't let me go. He stayed with me in the time that I need company. The time that I need his Dad the most.


"L.A? Iha? May bisita ka. Nandyan ang mga kaibigan mo." Narinig kong sabi ni manang Lydia. Pumasok sya sa kwarto ko at naupo sa harap ko.



"Pakisabi po nagpapahinga ako. Masama ang pakiramdam. Basta manang. Gumawa kayo nang dahilan." Sabi ko habang patuloy sa pag-gagantsilyo.



"Hindi mo matatakbuhan ang mga taong nasa paligid mo. Nasasaktan din sila sa nangyayari sayo. Kung iniisip mo na iniwan ka nang asawa mo. Isipin mo rin ang mga taong naka paligid sayo. Sa tingin mo ba natutuwa silang ganyan ang itsura mo? nasasaktan din sila para sayo." I stopped on what I'm doing at saka tumingin sa kanya. My eyes started to water again.


"Masyado pong masakit manang. Hindi ko kayang humarap sa kanila. I wan't to be alone. Darating ang time na kakausapin ko rin sila. Pero hindi pa ngayon." I cried in front of her. Halos dalawang buwan ko nang hindi nakakausap at hinaharap ang mga kaibigan ko. Ayokong kaawaan nila ako. Kaya kahit masakit, iniiwasan ko sila. I know that my acts are very irrational, pero sa tuwing nandyan sila, parang mas nalulungkot ako.


Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Место, где живут истории. Откройте их для себя