L

35.2K 386 25
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors, Enjoy reading :*


L.A'S P.O.V

It's the weekend again. Galing kami ni Justin sa ospital kanina para sa check up ko. He's so excited. Tanong sya ng tanong kung kelan daw namin malalaman ang gender ni Baby. Nakukulitan na nga sa kanya ang OB ko dahil sa dami nang tanong nya. Sabi ni Doktora, malalaman daw namin ang gender ni Baby in 4 or 5 months ng pagbubuntis ko. At ang magaling kong asawa, halos magmakaawa na para bumilis ang oras because he already  want's to buy baby stuffs. And just like other soon-to-be Daddy, He obviously wants a boy. Pero sa akin, kahit anong gender nya ayos lang. As long as our baby is healthy, masaya na ako.

Mag-isa lang ako ngayon dito sa penthouse. Pagkahatid sakin ng asawa ko dito sa penthouse ay nagmamadali na syang umalis dahil tumawag sa kanya si Daddy Albert. Lately sobrang busy ni Justin dahil sa problema ng kompanya. Pero kahit ganoon. Hindi nya ako napapabayaan. He always ask kung anong gusto kong kainin o kung may kailangan ba ako. Kahit nasa trabaho sya he will call me from time to time just to remind or ask me kung  uminom na ba ako ng gatas at ng vitamins ko. He's so sweet. And I know he will be a great dad to our future children.


Nandito lang ako sa loob ng kwarto. Kanina pa ako nakakulong dito at ang gusto ko lang ay ang mahiga at matulog. Nararanasan ko na rin ang morning sickness na sinasabi nila kapag nagbuntis ka.

Tuwing umaga at pag may ayaw akong amoy o pagkain palagi akong naduduwal. Ayoko namang sabihin sa asawa ko na palagi akong nakakaranas ng ganun dahil lalo lang syang mag-aalala. One time kasi naabutan nya ako sa CR na nagsusuka and he's so worried. Natataranta pa sya at hindi alam kung anong gagawin. Kung ngayon pa lang over reacting na sya paano pa kaya pag nanganak na ako? Natawa na lang ako when he touched my belly and started talking to our baby.


"Baby We love you. Wag mong papahirapan si mommy huh?" he said while caressing my small bulge and after that he will kiss it.


Palagi syang ganun, every morning at bago matulog o di kaya pag wala syang magawa palagi nyang kinakausap ang baby namin kahit hindi pa sya naririnig nito.  Alam ko na namomroblema na sya sa company at ayoko nang dagdagan yun. Kahit hindi nya sabihin sa akin, I know that he's having a hard time.


Nakokonsensya ako pag nasisigawan o natatarayan ko sya. Minsan nga dumarating pa sa point na pinapatulog ko sya sa guest room dahil ayoko nang amoy nya. Pagod sya noon at kauuwi lang galing sa trabaho pero pinagtabuyan ko sya dahil sa amoy nya. But I can't help it. Siguro ay dahil na rin sa hormones na dala nang pagbubuntis. Hndi ko rin mapigilan na gisingin sya kahit dis oras na nang gabi o kahit madaling araw para lang magpabili ng pagkaing gusto ko. But what I love about him ay ang pagiging maasikaso at sinusunod nya kung anong gusto kong ipabiling pagkain as long as healthy yon at hindi makakasama kay baby.


I was drowning in my own thoughts when my phone suddenly rang. Tiningnan ko ang ID caller at napangiti na lang ako nang makita kong si Justin ang tumatawag dun. I immediately answered it at bumungad sa pandinig ko ang gwapong boses ng asawa ko.


"Hi honey" he greeted. Kahit nasa office sya at nandito ako sa bahay, I can sense that he's tired.


"Hello. kakatawag mo lang po kanina." True. He just called me about an hour ago para kamustahin ako. At ngayon ay tumatawag na naman sya.


"Yeah. I miss you. Kumain ka na ba nang lunch?" I bit my lower lip ng maalala kong hindi pa nga pala ako kumakain. Kanina pa ako dito sa kwarto at breakfast pa lang ang kinakain ko at yun ay noong kasabay ko sya bago kami pumunta sa doctor. "hmmm? Have you eaten already?" tanong nya ulit. Umiling ako kahit hindi naman nya ako nakikita.


Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Where stories live. Discover now