XLIII

26.2K 332 36
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors. Enjoy reading :*

L.A'S P.O.V


He BETRAYED me.

Ganun pala ang pakiramdam when you've betrayed by your husband, ng taong mahal mo. Your world shatters because the person you thought you could believe in has deceived and lied to you. I felt alone, unworthy and abandoned. It was like my life is at risk. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. The vows and commitments we've made become meaningless. Sabagay, arranged marriage lang naman kami so baka para sa kanya balewala lang ang vows namin nung ikinasal kami. Ano pa nga bang aasahan ko sa isang jerk na kagaya nya?


I know that theres a lot of kinds of betrayal, and that to be betrayed is the worst and terrible feeling, definitely. But there is a particular sort of betrayal that is most painful at dahil dun mahirap na ulit magtiwala kase palagi mong tatanungin ang sarili mo 'what was real and what was not?' Para saken ito na yata ang pinakamasakit. Ang lokohin ka ng asawa mo, nang taong mahal mo.

Para akong sinaksak ng ilang beses dahil sa nakita ko. I can't accept the fact na naghanap pa pala sya ng iba bukod saken. All this time akala ko okay na kame. Akala ko may nararamdaman na sya saken kahit konti dahil sa mga pinapakita nya matapos kaming ikasal. Akala ko sapat na ko para sa kanya. Pero puro lang pala 'akala' yun.

Kaya ba ganun na lang ang reaksyon nya ng makita namin si Cess sa parking lot? kelan pa? Kelan pa nya ako niloloko?

Napaluha ulit ako. Bakit ngayon pa kung kelan sigurado na ako sa nararamdaman ko? kung kelan aminado na ako sa sarili ko na mahal ko sya? Hindi ba sya makapaghintay kaya humanap na sya ng kapalit? Ngayon pa lang hirap na hirap at sobrang nasasaktan na ako, what more kung magpapatuloy pa ang ganito?


I looked at the clock on the side table. It's already 6 A.M. Hindi ako nakatulog at ang sakit na ng mga mata ko dahil sa pag-iyak.Nandito pa rin ako sa kama. Mula ng mapanood ko ang video ay nakatulala lang ako sa kisame. Ayokong isipin na may 'nangyari' sa kanila. Pero pag-ipipikit ko ang mga mata ko, yung eksena sa natanggap kong video ang nakikita ko.

I drew a deep breath and gathered my self. I wont let him ruin me... forever. I need to fix myself.



I decided na maligo na at mag-ayos. Kinuha ko ang ilang damit sa drawer. Hindi ko dadamihan dahil baka mahalata nyang wala ako. Although may balak naman akong umalis pero para magpalamig at makapag-isip lang. I packed my things at kinuha ko rin ang ilang importanteng gamit. Hindi naman ako magtatagal. Palilipasin ko lang hanggang sa matapos ang birthday nya.

Nang matapos na akong mag-impake I roamed my eyes on our room. Isang bag lang ang dala ko. Wala akong balak dalhin lahat ng damit ko. I'll just make him feel kung ano bang pakiramdam ng maiwan. Pero baka balewala din sa kanya ang pag-alis ko. Siguro nga pabor pa sa kanila ni Cess yun e.



I got my keys at nagmamadaling sumakay ng sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayokong sabihin sa mga kaibigan ko ang nangyari sakin. Kay EJ at Eumi. Mas lalong gugulo ang sitwasyon pag nagkataon. I turned off my phone para hindi ma-trace kung nasaan ako. At para na rin matahimik ako kahit papaano.


Nag-isip ako kung saan may mga properties si Daddy na out side manila lang. And I decided na pumunta sa Batangas. May Villa kami dun at buong family lang ang may alam nun. Dad bought it five years ago at ang alam ko pina-renovate na yun. Malapit sya sa dagat kaya naman makakapag-relax ako pag nakarating na ko dun. Even my friends doesn't know anything about that Villa kaya alam kong safe ako dun at walang makakaalam kung nasaan ako.


Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt