XXIV

29.6K 422 28
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors.. Enjoy Reading! :*

JUSTIN'S P.O.V

Pagkatapos kong ayusin at kunin ang flashlight sa kusina, napansin ko na nakabaluktot si Ugly lady sa Sofa. Antok na siguro. Sabagay, nakakapagod naman talaga ang araw na to. First time kong nagdala ng babae dito sa bahay na to. At kanina, when I saw her wearing one of my shirts, d*mn it! she's so hot wearing that. Di ko na mabilang kung ilang beses akong natutulala kapag kaharap ko siya.


Di ko rin mapigilan na matawa because of what happened earlier. She was so embarrased! Sino ba naman ang hind? Pilit kong iniiwasan ang topic tungkol doon sa Underwear  at hindi ko na rin siya inasar because of that dahil baka ma-massacre ako sa sarili kong bahay. Mababawasan ang gwapo pag nagkataon.


I looked at her  while she sleeps peacefully. Nakita ko sa ibabaw ng table si Ducks at Donks. Kumuha ako ng basket sa kusina at nilagyan ng towel para doon ko na lang sila ilalagay. Mas magiging komportable pa sila.

Nauna ko na silang iakyat sa kwarto at dun ko lang Naalala na iisa nga lang pala ang kwarto dito. Geeez! Saan matutulog si ugly lady? Alangan namang iwan ko iyon sa sofa? Aish! Bahala na nga.  Aayusin ko pa to.

Nagsimula akong maghanap ng comforter. Malamig kasi ngayon dahil ng bagyo. Baka magwelga na naman si ugly lady kapag hindi ko siya binigyan ng kumot. Nakakailang minuto na akong naghahanap pero hanggang ngayon ay wala akong makita. Isa lang ang comforter at iyon ay ang nasa kama. No choice.

Bumaba na ako at pinuntahan si Ugly lady na himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Aba, feel at home ah. I smirked, naalala ko kung pano siya kumain kanina. Para talagang hindi babae. Tsk. Naupo ako sa harap niya at hinawi ang ilang buhok na napunta sa mukha niya.

Maganda naman siya. Not Bad.

Maamo ang mukha, malayo sa ugali niya kapag gising siya na daig pa ang amazona.

Maputi, matangos ang ilong, mahaba ang eyelashes at ang lips! Shit. nakaka-tempt. Nag-iwas agad ako ng tingin. Baka kung anong magawa ko. Sinubukan ko siyang yugyugin para pumunta sa taas.

Kawawa ang abs at muscles ko na nagsisimula pa lang ma-define kapag binuhat ko siya. Hindi naman siya mahirap gisingin. She opened her eyes and then close it again. Antok na nga. Bubuhatin ko na sana suya ng bigla naman siyang napa-upo. Anong problema nito?


L.A'S P.O.V

Akala ko nananaginip lang ako. Totoo pala na si Jerk ang kaharap ko. Kaya naman napabalikwas ako ng bangon. Tumingin ako sa labas at nakita kong nakasara na ang kurtina. Pero kahit ganon ay naririnig ko pa rin ang malakas na ulan. Akala ko uuwi na kami kaya niya ako ginising. Antok na antok pa ako.

"Bakit ba? Nakakainis naman 'to. Kitang natutulog eh" reklamo ko habang nakapikit pa rin ang mata. Di ko na talaga kaya.

"Dun ka na sa kwarto. Malamig dito. Tsaka baka lamukin ka." sabi niya. Tumayo naman ako at gegewang gewang na naglakad. Habang siya naman ay nakasunod lang sa akin. Nasa hagdan pa lang ay napansin ko na na iisa lang ang pinto.

"Isa lang ang kwarto dito?! walang guest room?" sa pagkakataong iyon ay parang nagising ang diwa ko. Wag mong sabihing magsasama kami sa IISANG kwarto? kami?! ni Jerk?! hindi pwede!

"Yes. I told you already. It's my place. Pinagawa ko 'to para sa akin. Hindi ko naman kase ine-expect na may ibang matutulog dito bukod sa akin" sabi niya.

Ok I get his point. But still! I won't allow him to share the same bed with me! Tumakbo ako sa kwarto at agad nahiga sa kama. I spread my arms at in-occupy halos lahat ng space.


Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora