LIV

25.3K 311 24
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors. Enjoy reading :*

L.A'S P.O.V

What happened? Am I dying?  Paano na ang baby ko?

I felt like I have to ask my self  this. Patay na ba ako?

My eyes are half open. Hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko dahil sa takot. Takot na baka ito na ang huli. I can feel the presense of the paramedics as they plug my veins with something I do not know. Sobrang manhid ng katawan ko kaya yata kahit tusok ng karayom ay hindi ko maramdaman. Hanggang sa naramdaman ko ang pagbuhat nila sa akin gamit ang stretcher papunta sa ambulansya. I can hear people talking pero hindi ko sila maintindihan. Ang gulo ng paligid. Everything gets blurry. Namamanhid ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw.


Naalala ko ang anak ko. Gusto kong magsalita. Pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.


'Iligtas niyo ang baby ko' I badly want to shout it to them pero hindi ko magawa. I can't move and I can't even speak! I'm stucked and paralyzed in this f-ucking stretcher. I feel so helpless this time.

Naririnig ko ang malakas na tunog ng ambulansya. Ang ingay ng mga tao na nakikiusyoso. May ilang bumaba pa ng sasakyan para tingnan ang aksidente. They appraise the scene. And they look away ng makita nila ako. Ang ilan ay mukhang hindi pa makapaniwala sa nasasaksihan nila. At kahit hindi nila ako kilala, nakikisimpatya sila. For me, and my baby. Alam ko na nagdarasal sila.


Am I dead?  That and the fact that my body seems to be completely numb and the fact that I might lose my baby. I should be in agony. But no... Hindi pwede. Alam kong kakayanin namin ito ng anak ko.


Makakaligtas kami. Kung hindi man, I want to die with my son. Dahil mas masakit pag iniwan niya ako. Hindi ko kaya mas gugustuhin ko pang mamatay kasama ang anak ko.


Nasa gitna ako nang pag-iisip nang biglang may sumagot sa kanina ko pang itinatanong.


"We have to hurry! 50-50 ang pasyente! Kailangan natin siyang madala agad sa ospital! Kritikal ang lagay niya pati na rin ng anak nya!" sigaw ng isang babae na nandito sa loob ng ambulansya. The medics snake a tube down my throat, may ikinabit silang bag with bulb to it and start pumping. My eyes are still half open. I'm afraid that if I close it, I won't have the chance to see my baby anymore.


"Ito na ang pinakamabilis na takbo! Kung hindi sana traffic, mas mapapabilis tayo!" narinig ko ang isang boses na sa tingin ko ay ang driver nitong ambulansya kung saan ako lulan.


"Madadala natin siya sa ospital in less than five minutes kung mas bibilisan mo pa ang pagpapatakbo. Don't mind the traffic! Just drive. Kusa namang tatabi ang mga sasakyan na iyan." bulyaw nito sa driver bago tumingin ulit sa akin.


"Misis, Don't close your eyes. Ililigtas namin kayo nang baby mo. You and your baby will be alright. Hold still." She said while pumping my bag with one hand, in-adjust niya ang IV na nakalagay sa akin pati na rin ang monitors. Bumabagsak na ang mga mata ko. Ayoko pa pero, hindi ko na talaga kaya.


"Kaya mo yan. You're going to live"


Yun ang huli kong narinig bago ako tuluyang tangayin ng liwanag.




- - -

JUSTIN'S P.O.V

"Kasalanan mo lahat ng to! Pag may nangyari kay L.A at sa inaanak ko mapapatay talaga kita!" hindi ko pinansin ang sigaw na iyon ni EJ. Aligaga ako sa pagmamaneho nang sasakyan habang sinusundan si Lane. Hindi ko alam kung saan sya pumunta. Ang bilis ng pagmamamaneho nya kaya hindi na namin sya naabutan. Pero wala akong pakialam. I will find her no matter what.


Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt