XXXIV

28.6K 382 19
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors.. Enjoy Reading! :*

L.A'S P.O.V

"L.AAAAAAAAAAAA!" Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw na iyon ni EJ. Kakatapos lang ng wedding ceremony pero nag-stay pa kami dito sa beach para magpicture taking bago kami dumiretso sa reception.

"EJ! You're so loud. Pakihinaan iyang boses mo" Sabi ko habang nakatakip ang mga daliri ko sa tenga ko. Pinagtitinginan na din kasi siya ng mga bisita.


"Oo nga. Sige ka, ma-turn off pa sayo si Mio" Eumi joked and then we both laughed. Napasimangot naman si EJ pero agad ding ngumiti ng malawak ng may biglang maalala.


"O EM GI! Your wedding is soooo PERFEEEECT! ang ganda ng sunset, your gown, the candles, the flowers, the beach, the sand, the water, the waves--


"EJ! ang O.A mo!" natatawang  suway ko sa kanya. Loka loka talaga ang babaeng 'to.



"Ano ka ba! Minsan lang ako pumuri no. Kaya sasagarin ko na. Kyaaaaah! ang ganda ganda ng theme ng wedding niyo. Sino kayang nakaisip nito? Beach wedding? Oh my.  Kami ni Mio underwater ang peg pag kinasal kami! Pero mas exciting siguro kung sky diving! Alin kaya doon? Pero pwede namang both. hihi" kinikilig niyang sabi. I just rolled my eyes at her. Napakalawak din ng imagination ng isang 'to.



"Hindi ka nga nililigawan kasal agad? Wala ka nga ring cellphone number niya at di pa ina-accept yung FRIEND request mo sa facebook gusto mo kasal agad?  Ok ka lang?" natatawa rin si Eumi sa inaasal ni EJ. grabe naman kasing mag-ilusyon.


"Hah! pag kami ang nagkatuluyan, who you kayo saken! Hindi ko kayo gagawing ninang ng mga anak namin! hmp!"  And then we laugh hard. Sa araw na 'to dapat malungkot ako dahil natali ako sa taong hindi ko naman mahal. But my friends and family makes everything easier. Sila ang nagsisilbing inspirasyon ko.


Naputol ang usapan namin when the photographer called us. Nandito kami sa sea shore.



"It's time for the newly wed pics! Let's go. Para diretso na tayo sa reception." sigaw nito. Napadako naman ang tingin ko kay Justin na naglakakad habang ngiting ngiti.


Lumapit siya sa akin at kinikilig naman ang dalawang bruha na umalis na sa tabi ko.



"Tara na. Wear this. Malamig na." He said and then he gave me his coat. Siya na mismo ang nagsuot noon sa akin. Hindi ko mapigilan ang mamula kaya naman yumuko na lang ako. He held my hand and we started walking doon sa spot kung saan kami kukuhanan ng picture. Naririnig ko pa ang mahinang tili at ang pang-aasar ng kiti-kiting si EJ.


Yari ka sa akin mamaya babae.



"Are you ok?" tanong ni Justin na nakaagaw ng atensyon ko.



"Yeah. Gutom lang. Nagwawala na ang mga alaga ko sa tyan."  he laugh softly after I said that. Totoo namang gutom na ako eh. Hindi ako nakakain ng maayos dahil sa kaba sa mangyayaring kasalan so what do you expect? Nakikiusap na tuloy ang mga alaga ko na pakainin ko na sila.



"Don't worry. After this diretso na tayo sa reception" He gently wraps his arms around me and he guided me. Aba improving!



"Anong nakain mo ngayon?" taas kilay na tanong ko sa kanya. He's acting like a gentle man now.



"Huh?"


"Wala. tsss."

"Ang taray naman ng wifey ko" Nag-pout pa ang loko.

Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Where stories live. Discover now