XLV

30.2K 378 40
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors. Enjoy reading :*


L.A'S P.O.V

It's been two weeks mula ng umuwi kami galing sa Villa namin sa Batangas. Dalawang linggo ko na ring iniiwasan si Justin. He tried to talk to me pero gumagawa ako ng excuses para hindi sya makausap. Alam kong napapansin nya yun at siguro nagsasawa na rin sya kaya hinahayaan na lang nya ako ngayon. As much as possible ayokong pag-usapan ang nangyari. I want to forget it. Pero palagi ko lang naaalala ang ginawa nya sa tuwing nakikita ko sya.

Lumipas ang birthday at graduation nya pero walang espesyal na nangyari. Parang ordinaryong araw lang yun sa saken at sa kanya. I'm still mad... and hurt.


Mabuti na lang ngayon wala sya dito sa penthouse. He's busy with their business. Right after his graduation ay ipinakilala na sya ni Daddy Albert sa mga Board of Regents at Stockholders ng company nila. I was relieved knowing na magkakaroon ng way para hindi ko sya gaanong makita. Masyadong mainit ang ulo ko sa kanya. Pero hindi ko rin maalis ang fact na minsan na-mimiss ko sya.


Andito pa rin ako sa kwarto. Tanghali na pero hindi pa rin ako bumabangon. Nitong mga nakaraang araw palagi na lang akong tinatamad at mas gusto ko pang mahiga na lang at matulog. Good thing it's our semestral break. Walang rason para gumising ng maaga. Feeling a little bit dizzy I got up on bed at pumunta sa CR. Naligo na rin ako para fresh and then after that I decided to go to the kitchen para magluto.


Pero pagdating ko sa kusina, Nakita ko si Justin na busy at naka-harap sa stove habang may suot na apron.


"Bakit nandito ka pa?" I asked at napatingin naman sya saken.


"I prepare your food. Wala naman akong masyadong gagawin sa company kaya nagpaalam ako kay Dad kung pwedeng hindi muna ako pumasok this week. I ask for a break" He said at naglagay ng plato sa lamesa. I helped him at ng matapos na kami ay naupo na kami sa harap ng mesa. We're facing each other at naiilang ako dahil ngayon na lang ulit kami kumain ng magkasabay.



"Isang linggo? ang tagal naman ata ng bakasyon mo" Balewalang sagot ko at tsaka naglagay ng pagkain sa plato ko. I noticed na hindi sya naglalagay ng pagkain sa plato nya. Siguro nasanay sya na ako ang nag-lalagay ng pagkain everytime na kumakain kami ng magkasabay. Napansin nya siguro na wala akong balak kaya naman sya na ang naglagay ng pagkain nya. I just heard him sigh.

"Yeah. May pupuntahan din tayo. Tutal isang linggo na lang magpapasukan na. Kaya naman I decided na mag-out of town tayo."


Napatigil ako sa pagkain ng sabihin nya yun. Sa totoo lang ayokong sumama, pero inuugat na ko dito sa unit nya. Baka magising na lang ako bukas ng may tumutubong sanga at bunga kapag nag-stay pa ko dito sa penthouse nya.


"Where?" Tanong ko at tsaka nagsimulang kumain.

"Secret." Napakunot ang noo ko.

Secret?! ano na naman kayang naiisip ng unggoy na to at ayaw pang sabihin? kailangan ko pa atang i-blackmail.


"Okay hindi ako sasama. Enjoy ka." sabi ko tsaka nagpatuloy sa pagkain. Ang sarap ng luto nya. Mas magaling pa ata sya saken.


"I want to surprise you" Tumaas ang kilay ko at tsaka tumingin sa kanya. Aaminin ko, I was touched. Tinitingnan ko kung hanggang saan ang kaya nya. I know na nag-eeffort sya para maibalik ang dati naming pagsasama pero hindi pa rin maalis sa sistema ko ang mag-doubt sa mga ikinikilos nya.


"Kelan tayo aalis?" napangiti sya ng sabihin ko yun.

Wag kang tumawa. Pinagbibigyan lang kita.


Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon