XVI

36.8K 395 13
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors.. Enjoy Reading! :*

Para sayo :*

~~~~

L.A'S P.O.V

Kakatapos lang ng klase namin sa last subject. Naglalakad kami nila Ej at Eumi papunta sa parking lot. Naalala ko ang nangyari kaninang umaga, mabuti naman at hindi na muling nag-krus ang landas namin ng hipon na iyon.

Kanina ay napag-usapan namin nina Eumi na sa bar na lang magkita. Alam naman namin iyong bar kung saan magaganap ang gig nila Dean dahil nadadaanan namin iyon kapag pumapasok sa school.

Napag-usapan din namin na uuwi muna kami saglit para makapag palit ng damit at para makapag prepare na rin. Kanina naman ay nag-text sa akin si Dean na susunduin na lang daw niya ako. I blushed at that thought.

Tatanggi pa sana ako kaya lang makulit siya. Sabay na lang daw kami, pumayag na ako kase ayoko ring mag-drive. At ayoko ring abalahin ang driver namin. Pagdating namin sa parking lot ay nagpaalam na kami at sumakay sa kanya-kanya naming kotse.

Naunang umalis si Eumi, malayo pa kasi ang bahay nila sumunod naman si Ej. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko at ganoon din siya. Sumenyas na ako na susunod na lang ako. Habang nasa loob ako ng sasakyan ay nakita ko naman si Justin na naglalakad bitbit ang cage na may lamang rabbits. Sabi ko kasi ay siya na lang muna ang mag-alaga sa mga anak NIYA dahil magiging busy ako ngayon. Hindi naman siya makakatangg at wala na siyang magagawa.

Next week na lang namin sisimulan ang experiment. Masyado pang maaga kubg magsisinula agad kami ngayon at sa totoo lang, ayokong makasama si Jerk. Gusto kong matahimik kahit papaano ang buhay ko kahit isang linggo lang. Habang naglalakad ay kitang kita ang nakakunoot niyang noo. Natawa na lang ako ng palohim dahil sa itsura niya. Bawas pogi points daw kasi iyon sabi niya. Kasunod naman niya ang ibang members ng five knights. Ang bilis niyang maglakad at agad na pumasok sa sasakyan. Yung mga kasama niya ay ganoon din.

I decided na umuwi na. Mahaba-haba pa ang oras. Makakapag pahinga pa ko.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Kuya Lye na nanonood ng T.V habang kumakain ng Chips. Pagkakita niya sa akin ay agad siyang tumayo at humalukipkip habang nakatingin sa akin ng seryoso.

"Ang aga mo ngayon ah?" sabi noya at napakunot noo ako dahil kakaiba ang inaasta niya.

Anong kaluluwa ang sumapi dito at biglang nagkaganito? Hindi bagay sa kanya ang maging seryoso.

"Pinapasabi ni Mommy at Daddy na samahan daw kita mamaya. Saan ba ang lakad niyo? Para naman akong yaya nito. tsss" sabi nya ng naiirita sabay upo at bumalik sa panonood.

"Bakit daw? kaya ko naman mag-isa!" reklamo ko at tumingin lang siya ng masama sa akin.

"Tsaka a-ano... m-may susundo saken. Nakakahiya!" nahihiya kong sabi. Naalala ko na susunduin nga pala ako ni Dean. Ano bang naisipan nila Mommy at Daddy at naisipang pasamahin si kuya Lye sa akin?! alam naman nila na para kaming aso't pusa kapag magkasama.

"Aba malay ko. At sino namang susundo sayo? boyfriend mo? isusumbong kita kay Mommy at Daddy. Ikaw ha" nang-aasar na sabi niya. Bago ulit ibinalik ang atensyon sa panonood ng t.v.

"Hoy! hindi ah! friend ko lang iyon sa school! Siya yung nag-invite sa amin nila Eumi na manood ng gig. Tsss!" dipensa ko at ngumisi ng nakakaloko.

Naaalala ko sa kanya si Jerk. Bwisit.

"Ang defensive mo. Bilisan mo na! bihis na ako oh!" sabi niya sabay turo sa suot niya. Napairap na lang ako.

Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Where stories live. Discover now