XV

37.7K 425 17
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors.. Enjoy Reading! :*

L.A'S P.O.V

Maaga akong nagising ngayong araw. Maaga kasi ang klase ko at major subject pa iyon kaya bawal ma-late. Ngayon din namin kukunin ang mga rabbits na gagamitin para sa experiment namin. I sighed. Hangga't maaari ayokong makita ang pagmumukha ng jerk na iyon. Naaalala ko ang ginawa niya kagabi. Pero sa sitwasyon ko ngayon, wala akong choice kasi siya ang ka-partner ko sa experiment na iyon. Gustohin ko mang mainis ay balewala rin.

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong bumaba sa kusina para mag breakfast. Nandoon na si Mommy at Daddy. I greet them Good morning and kissed them on the cheeks. Nagbabasa ng dyaryo si Daddy habang umiinom ng kape, si Mommy naman ay tumutulong kay Manang sa pag-aayos ng lamesa. Mabuti naman at ipinaubaya na niya kay Manang ang pagluluto.

"Maaga ba ang klase mo? Let's eat. Baka ma-late ka pa. May meeting din ako mamaya pati ang Daddy mo" sabi ni mommy habang nag-aayos ng plato.

"Yes mom. Ahm, Mom, Dad? Can I ask you a favor?" sabi ko habang nakatingin sa kanila. Naibaba naman ni Daddy ang dyaro na binabasa niya at tumingin sa akin at kay mommy.

"Ay oo nga pala sweetie! May gagawin ka ba mamaya? I mean, may lakad ka?" tanong ni Mommy na ngayon ay nakaupo na sa tapat ko.

"Ah. Iyon na nga po eh. Magpapaalam po sana ako kung pwede akong sumama sa gig nung friend ko sa school. Yun po sana ang pabor ko, mamaya pong gabi yun pero kasama ko naman po sina EJ at Eumi"

"Ganoon ba? Sayang. Hindi bale next time na lang siguro" nanghihinayang ang boses ni mommy.

"Ano po ba iyon?"


"Ah-eh. Wala naman. Hihi. Let's eat"

This past few days ay nawi-wierdohan ako sa ikinikilos ni Mommy at Daddy. Parang mayroon silang hindi sinasabi sa akin.

"Mag-iingat ka. Enjoy your day. Wag kang masyadong magpapagabi." Nagulat ako sa sinabi ni Daddy.

Himala? Dati kasi ay halos umiiyak pa ako sa harapan niya, pati na rin sina EJ at Eumi para lang payagan niya akong makapaglakwatsa sa gabi, pero ngayon ay pumayag agad siya? Ang weird talaga.

"Thanks po!" masayang sabi ko. Pagkatapos kumain ay nag-text ako kay Ej at Eumi tungkol sa gig nila Dean mamaya. Sinabi ko din na hihintayin ko na lang sila sa parking lot ng school.

Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at nag-drive papuntang school. Habang nasa daan ay iniisip ko kung anong mangyayari mamaya sa gig at higit sa lahat, kapag nakita ko ang dugyot na si Justin Kyle Chord. Malamang mang-aasar na naman iyon.

Nakarating ako sa parking lot at lumabas ng kotse ko. Wala pa ang dalawa kaya hihintayin ko na lang sila gaya ng napagusapan namin. Buti na lang may mga benches dito kung saan pwede kang maupo at magpahinga. Habang naglalakad ay nakasalubong ko ang three idiots.

Joke..

Nakasalubong ko ang tatlong nilalang na palaging kasama ng five knights at siya ring nakasagutan ko sa cafeteria noong first day of school. Malayo pa lang ay nakataas na ang kilay ng hipon. Siguro iyon ang pinaka leader nila..

Ano naman kayang trip ng mga ito? Actually hindi naman siya mukhang hipon, I mean, hindi siya kagaya ng ibang babae na nakapaligid kay jerk na binansagan kong hipon. Infact maganda siya, maamo ang mukha at hindi halata sa itsura niya na masama ang ugali niya, bat ko nasabing masama ang ugali? Yung time nagkasagutan kami sa cafeteria. I know and I believe that judging someone without knowing them first is treacherous, pero base na rin sa kwento ng ilan sa mga kaklase ko ay may attitude problem talaga ang hipon na iyon. And I also believe that first impression lasts. Mula ng mangyari ang away namin sa cafeteria, ganun na ang naging tingin ko sa kanya.

Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Where stories live. Discover now