XLVI

28.8K 433 16
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errorrs. Enjoy Reading: *


LA'S P.O.V

"I Love You"

Did I heard it right?


He's still kissing me habang patuloy ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. I can't believe it. He loves me too. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil sa sobrang saya. He said that he loves me! Sa sandaling to nawala lahat ang sama ng loob na nararamdaman ko sa kanya. It makes me feel like I'm the luckiest girl in the world.

We parted and he put his forehead against mine.


"I love you. Mahal na mahal kita and I can't afford to lose you." Pagpapatuloy nya and he gently wiped my tears away.


Hindi ako makapagsalita. I'm so overwhelmed and it's hard for me to utter even a single word.


"Don't cry. Pakiramdam ko ang sama sama kong tao pag umiiyak ka dahil sakin" I laughed because of what he said.


"Sira! Tears of Joy" I hugged him at sinuklian din naman nya ito ng isang mahigpit na yakap. I feel safe and comfortable whenever I'm in his arms. It's like he's bound to protect and love me.

"Malapit na pala tayo" sabi nya at tsaka tumayo. He help me to get up then he wrapped his arm on my waist.

Nakita namin ang isang isla na may nakatayong napakalaking beach house. Ito na marahil ang sinasabi ni Justin na pagmamay-ari ng pamilya nila. I can't put away my smile while looking at it. Parang paraiso ang lugar na ito.

"I was eleven nung huling beses na pumunta kami dito. Birthday ni Mommy." Napatingin ako kay Justin when he said that. Humarap naman ako sa kanya at niyakap sya sa bewang. He's smilling but sadness is written in his face.

"We were happy back then, Puro happy memories ang nabuo namin dito" Pagpapatuloy nya.

"We'll make another one, and another one and many more" I said as he laughed and then he gave me a quick kiss on the lips.

"I love you" awtomatikong napangiti ako dahil sa sinabi nya.

"Let's go. Baba na tayo" Ngayon ko lang napansin na nandito na pala kami sa may pangpang. Inalalayan nya ako para makababa. Tinulungan naman sya ng mga naghatid samin dito para ibaba ang mga gamit namin.

I scanned the area at naisipan kong pumunta sa isang duyan na nasa ilalim ng punong niyog. Nahiga ako roon at nakita kong kinakausap ni Justin ang dalawang lalake. I closed my eyes. Hindi pa rin ako makapaniwala. He just confess His feelings. Hindi ko ine-expect na sa simula pa lang magiging masaya na ang bakasyon na ito. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na may tumabi sakin at alam ko na kung sino yun. I leaned on his chest and inhaled his scent.

"Ang bango mo." Hindi ko napigilang sabihin dahilan para tumawa sya. Totoo naman eh. Mabango sya. Gusto ko ganito na lang ang posisyon namin para palagi ko syang naaamoy.  Nakakaadik. Amoy baby.

"Pawis ko lang yan" I pursed my lips at kinurot ko sya ng marahan sa tagiliran. I looked up at nakita ko syang nakangisi habang nakatingin sa akin.

"Tchh. Yabang! But seriously, Ang bango mo. Paamoy nga ulit!" and I burried my face on His neck inhaling His scent. Mas lalo syang natawa dahil sa ginawa ko.


Grabe! Ang bango nya talaga! Kahit hindi na ako kumain solve na! Amoy pa lang ulam na.

"Ikaw ah. May pagnanasa ka pala sakin? Kunwari ka pa ah." biro nya at walang ano-ano'y umayos ako ng posisyon at tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya.

Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Where stories live. Discover now