VI

43.3K 545 8
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors.. Enjoy Reading! :*

JUSTIN'S P.O.V

I'm with ugly lady right know, napangiti na lang ako. Sabi na e. She really can't resist my charms. Bakit ba kase ang Gwapo ko? Naiiling na lang ako habang nagmamaneho. Alam kong labag sa loob niya ang sumama sa akin. Pero wala na siyang magagawa. Kailangan kong gawin iyon. At siya ang alam kong makakatulong sa akin. It was like, hitting two birds with one stone. Solve na ang problema ko, tapos maiinis ko pa siya.

Nakakatuwa yung late reaction niya kanina when I kissed her. Ewan ko ba! I have the urge to do it. Hindi ko nga alam kung anong gwapong kaluluwa ang sumapi sakin at ginawa ko iyon. Or maybe because I was tempted when I saw her lips.

Anyways, I kidnaped her for some reasons. First , I need to break up with my girlfriend's and I will use her. Second, gusto ko syang asarin and lastly, I want to know her more. Curious ako sa pagkatao ng amazonang ito. Siya pa lang ang naglalakas loob na kumalaban sa akin kaya ganun na lang ang reaksyon ko nung nilabanan nya ako sa cafeteria. Usually kasi, halos sambahin na ako ng mga babae. Pero iba ang isang ito. Baka naman tomboy?

Kanina ay sumadya pa talaga ako sa Registrar's Office. I already saw her records. Madali lang naman para sa akin ang gawin iyon. Maybe that's the perks of being the grandchild of the chairman and at the same time the owner and being the son of the University President. I can do whatever I want. Wag nga lang malalaman ni Daddy ang mga kalokohan ko dahil kung hindi, Yari ako kay tanda.

Si Lolo, mabait at sobrang na-spoil niya ako since childhood. Pero si Daddy kabaligtaran. Noong maayos pa siguro ang relasyon namin as father and son Oo. Pero ngayon iba na. Sobrang seryoso at napaka istrikto niya. Ang taas din ng expectations, kaya nga ang laking disappointment ako para sakanya eh. I'm already 22 but I'm still in my 4th year in college. Irregular pa, mabuti nga at nag aral ulit ako eh. My life was a mess before.


So much for this, si ugly lady or should I say Ms. Lane Anastacia Cruz, ayun, naka busangot ang mukha. Duck face eh? Lihim akong napangiti ng makita ko ang itsura niya. Ang sarap niya talagang asarin . Pikon kase, pero kanina noong nakita ko na malapit na siyang umiyak at namumula na ang mukha at ilong niya, Parang.. Nevermind. I just sighed at tumingin ulit sa katabi ko na kanina pang nakakunot ang noo.

She's really different. Hindi siya kagaya ng mga babaeng isang tingin lang sa akin ay nagkakandarapa na para pansinin ko.Kelangan ko pa talaga syang i-blackmail para lang samahan ako. She's really something. This lady, Mukhang mapapalaban ako.

Ano ka ngayon Justin Kyle? nakahanap ka na ng katapat mo.

Sabi nang isang parte nang utak ko. Napailing na lang ako.

I drove my sports car for almost 15 minutes, si ugly lady hanggang ngayon di pa rin ako kinakausap. Well, di ko naman siya masisisi Gwapo ako e.

    

When we reach the mall's parking lot. She immidiately unbuckle her seatbelt and stormed out of the car. Padabog niyang isinara ang pinto kaya naman nagulat ako kasabay ng panlalaki ng mga mata.

    

Anak ka ng pating! that girl! talagang ibinagsak pa yung pinto ng sasakyan ko!  E halos sambahin at hindi ko nga ipinapahawak sa iba ito?! tsk.

"Bilisan mo! madami pa akong gagawin, kailangan ko ng umuwi" she gruntted pagkalabas ko ng sasakyan.

Okay Justin Kyle, Chill. Kahit halos wasakin niya ang sasakyan mo chill ka lang. Tandaan mo. Gwapo ka pa rin. Kelangan mong maging gentleman kahit ngayon lang.

Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Where stories live. Discover now