LVIII

35.3K 447 50
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors. Enjoy Reading :*


Justin's P.O.V

5 years later...


"Daddy let's go! Hinihintay na tayo ni Mommy!" Tawag sa akin nang anak ko habang pababa ako nang hagdan. I smiled at him nang makita ko siyang tumatalon talon at excited sa pagdalaw namin ngayon sa sementeryo. It's been five years, pero parang kahapon lang. Those memories of my dying wife is still fresh. I shrugged away that thought at lumapit sa ngayon ay apat na taon naming anak.



Dustin Sean. Kamukhang kamukha niya ako. It's like I'm looking at my younger version. But he got the eyes and lips of her mother.



"Daddy naman ang bagal! Come on! Bibili pa tayo nang maraming flowers di ba?" he said tsaka lumapit sa akin at bigla akong hinila palabas.



"You're not excited to see your mom and superman huh?" Biro ko sa kanya and he just pout. He looks cute and damn it. That face is my weakness.


"Hmmp! When we got there isusumbong kita sa kanya! Ni-aaway mo yung big boy niya" mukhang iiyak na ang anak ko kaya naman naupo ako para mapantayan ko sya. I held his face and kissed his chubby cheeks na lalong kinainis nya. He doesn't want me to kiss him on his cheek dahil big boy na daw siya. Natawa na lang ako bago ko siya binuhat.



"Daddy ako ang pipili nang flowers ha? I'm sure magugustuhan ni mommy ang pipiliin ko." he said while I put him on the backseat and help him to buckle his sitbelt.


"Oo na. Palagi namang ikaw ang pumipili di ba?" I rolled my eyes and I heard him giggle.



"Tapos daddy daan tayo saglit sa grocery. Bili tayong maraming ice creams tsaka chocolates and---"


"No Ice creams. No chocolates. No candies. Hindi ka pa nadadala. Eh halos maubos na yang mga ngipin mo sa unahan ah?" I teased him. Sobrang Spoiled ang anak ko. Kaya ayan, mukhang napabayaan sa kusina. At literal na malusog.


"Kinuha nung tooth fairy yung dalawa kong teeth. Pero di ba you told me na ibabalik naman niya iyon kapag naayos na niya?" he asked innocently at napailing na lang ako.



Nabunutan siya nang ngipin at iyak siya ng iyak dahil doon. That's why I told him na kinuha muna nang tooth fairy ang ngipin niya para i-repair at pagkatapos ay ibabalik sa kanya kapag maayos na. Minsan kase ang dali ring utuin nitong anak ko eh.


"Yeah. Pero matatagalan pa iyon. Kaya for now hangga't hindi pa sinosoli sayo iyong dalawa mong tooth wala munang ice cream at chocolates."




"Matagal pa ba yun?"



"Oo. Na-traffic pa daw yung tooth fairy kaya matatagalan." I  was driving habang siya naman ay nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang naniwala na naman siya sa mga kalokohang sinabi ko sa kanya.


"Daddy!!!!" biglang tawag niya kaya naman napalingon ako sa kanya. Saktong nakatigil ang sasakyan namin dahil naka-stop sign ang traffic light.



"Yes?"


"Yung ugly lady dun sa car nidilaan ako!" napakunot noo ako at tumingin sa kotse na katapat lang nang sasakyan namin. And there, I saw a little girl na naka-ponytail at mukhang inaasar ang anak ko.



"Daddy!! Inaaway niya ako!" Natawa na lang ako. May pagkasumbungero ang anak ko. I wonder kung anong nangyari at kagwapuhan ko lang ang namana niya. Hindi ang pagiging mayabang at arogante ko. Well, kung minsan ay maypagka epal sya at pranka. Pero hindi kagaya nang ugali ko noon. Sana lang ay hindi niya namana ang pagka-jerk ko.


Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Where stories live. Discover now