XXXVIII

37.3K 410 31
                                    

Pardon me for the wrong spellings and some grammatical errors.. Enjoy Reading! :*


L.A'S P.O.V

Last day na ng  'honeymoon' kuno namin ni Justin dito sa Paris. Bukas ng hapon ay uuwi na kami ng Pilipinas. Kung itatanong nyo kung anong mga pinag-gagawa namin ng mga nakaraang araw. Palagi kaming PAGOD. Oo Pagod na Pagod.



Pagod dahil...



NAMASYAL, KUMAIN, NATULOG, NAG-AWAY, NAG-SIGAWAN, NAG-ASARAN at NAG-KAPIKUNAN at pagkatapos ay MAG-BABATI. Yan ang daily routine namin araw-araw. Walang mintis.  Wala namang nangyaring KABABALAGHAN pagkatapos ng nangyari nung isang gabi. Yun lang at hindi na naulit ang ganong eksena.



Feeling ko nga sinasadya na nyang ibalandra yung katawan nya pagkatapos maligo. Ang katawan nyang puro mus-- este, Ang katawan nyang parang palito ng posporo na tinubuan ng kamay, paa at ulo.




Palagi syang TOP LESS habang pagala gala sa loob ng kwarto. Buti hindi sya nagkaka-pulmonya dahil sa lamig ng panahon dito.Pero asa naman sya na mase-seduce nya ulit ako. Marunong na kong magpigil no! Pagkatapos ng ka-shungahan ko ng gabing yun e nangako na ako sa sarili ko na hindi ko na uulitin yun.



Sana lang wag akong traydurin ng malanding bahagi ng utak ko.



Nag-aayos kami ngayon para mamasyal ULIT at bumili ng pasalubong para sa mga kaibigan at family namin sa Pilipinas. Nakabihis na ako habang sya naman ay daig pa ang babae sa pagpili ng isusot na damit. Naka-ilang  palit pa sya bago makapili ng talagang isusuot nya.



This past few days nasasanay na ako sa presence nya. Hindi na ako naiilang at komportable akong gawin kung anong gusto ko. Unlike ng una. Napansin ko na ganun din sya. Kahit sa pagtulog nasanay na din ako na katabi ko sya. Ewan ko ba! pag matutulog naman ako halos kasing taas na ng eiffel tower ang mga unan na nakapatas sa gitna ng kama that serves as boundary. Pero nagugulat na lang ako pag gising ko sa umaga lahat nasa baba na habang nakayakap naman ako kay Jerk at ganun din sya sakin.



Next time nga mag-lalagay ako ng CCTV para malaman ko kung sino saming dalawa ang malikot matulog.



"Aiish! ano ba namang buhok to!" napatingin na lang ako kay Jerk na busy sa pag-aayos ng buhok . See!? daig pa ang babae. tsk tsk. Napailing na lang ako. Yan ang isa sa ikinaiinis ko sa kanya. Ang tagal nya mag-ayos.



Bakit ba ganun ang mga boys? kelangan talaga halos isang oras sa pag-aayos ng buhok? e konting suklay lang ayos na yun. Buti sana kung long hair sya. E hindi naman. Nasa harap sya ng salamin kaya naman lumapit ako sa kanya. I looked at his face habang busy sa pag-aayos ng buhok. Nakakunot ang noo nya at halatang inis na.


"Akin na yang suklay" sabi ko pero sumilip lang sya sakin saglit at tsaka ipinagpatuloy ang pag-aayos.


"May suklay pa dyan. Yun muna ang gamitin mo . Ginagamit ko pa e." sabi nya habang naglalagay ng wax.



"Sh-iit! nakakainis!" inis na reklamo nya. I decided na agawin sa kanya ang suklay at saka pumwesto sa harap nya. Nakaupo sya sa harap ng salamin kaya naman inis syang tumingin sakin ng natakpan ko yun.

"Ano na naman ba?" naguguluhang tanong nya. Inayos ko ang buhok nya. Yung palagi kong nakikitang ayos nya. He look shocked pero hindi pa rin ako nagsasalita. Patuloy lang ako sa pag-aayos ng buhok nya.


Ano pa bang ayos ang gusto nya? e okay naman yung style ng buhok nya  palagi. Tsss. Ang arte talaga ng mga lalake.


"Ayan! bakit kase ang arte! tsss. Wag na kasing ipilit ang ibang style! Okay na naman yung dating ayos ng buhok mo e." sabi ko habang sinusuklay ang buhok nya. Nakatitig lang sya sakin habang ginagawa ko yun. After a minute ay natapos ko na ang pag-aayos.



Marrying A Jerk [C O M P L E T E D]Where stories live. Discover now