XVII - Confusing Jema

4.5K 254 33
                                    

Update ulit oh! Namimihasa tong mga to. Ayaw naman magsi vote 🙄

Vote, follow! Wehehe

----

Jema's POV

Sino kaya si Mayor? Yan ang paulit- ulit kong tanong sa sarili. Hindi naman si Wong. Di kaya si Pen nga? Pero parang malayo din kay Pen eh. Masmaganda siguro tanungin ko sya ng derecho bukas.

Tama. Maganda siguro matulog na ko.

"Hi mom! Kumusta po jan?" Mukang kausap ni Wong yung mom nya.

Hindi naman sa chismosa ko di ba? Hello?! Roommates kami, malamang maririnig ko mga sinasabi nya.

"Yes, mom! Uuwi ako ng Saturday after training. Morning lang kami meron sa Sat this weekend."

....

"Si Trish? Di po ata makakauwi kasi may practice din sila ng Sat afternoon."

....

"No need po. Wag nyo na po ako sunduin. Kaya ko naman na po mag-isa."

....

"Ok mom. Say hi to dad from me? Ok po. See you soon. I love you."

At some point mejo nakaka sad. Uuwi pala ang roommate ko. Ibig sabihin mag-isa lang ako dito sa dorm ng Saturday night.

Dahil mejo pagod at di pa perfect ang pakiramdam ko nakatulog din naman ako agad.

My phone buzzed at 4 am. Sobrang antok pa ko, pero wala akong choice kasi may training by 6:00 am. Pero, as usual, I come in early to jog and do some routine for my self improvement. Yes, I take the sport seriously. I want nothing short of a championship. I mean, that's the ultimate goal naman. Kaya I make sure na nasa kundisyon ang katawan ko.

Sya rin namang alarm ng phone ni Wong. Aba, maaga rin ah.

Gumalaw sya ng onte while her eyes are closed.

"Ugh!" Sabi pa nito. Mukang ayaw pang bumangon.

Inabot nya ang phone nya at pinatay ang alarm. Akala ko babangon na, pero mali ako.

"5 more minutes." Dagdag nito. Lol! Ang cute. Wala pa sa sarili to. Hahahha!

Ako naman nag ayos na kagad ng damit na isusuot, as in yung pang training ngayong umaga and later sa hapon, after training and gamit sa school. It took me a good 10 minutes din.

Wong's phone started buzzing again. This time bumangon na sya.

Nakaupo na sya sa kama pero naka pikit parin. Nag stretch ng mga braso at naghikab. Ang cute nito talaga pag hindi gising 100%. Pag gising kasi suplada, sobra.

"Nakatingin ka na naman." Biglang mulat nito at tinignan ako.

Di ko alam bakit bigla ako umiwas ng tingin. Tapos biglang tumawa na naman ng malakas habang tumatayo sa kama. Kinuha ang towel nya at damit pang training.

It took her 20 minutes to shower. Parang ako lang din, quick shower lang kasi after training maliligo naman ulit.

Pagkalabas nya, ako nman ang pumasok para maligo.

Sa totoo lang, nasasaktan parin ako every time na makikita ko si Mike or maalala ko sya. It's not that easy naman na makalimot. Pero may mga times na hindi ako nalulungkot kasi busy ako with school and training. Di ba? Pag busy ka, masyado kang preoccupied at hindi mo naiisip ang ibang bagay. Thankful na rin ako na most of my time, kung hindi nag-aaral ay nasa training naman ako.

During my free time naman, Mike tries to talk to me pero I have my friends naman to keep me company or para hindi nya ako malapitan. King iispin mo para akong celebrity, ginu gwardyahan ng mga mababait kong kaibigan. Except for Wong, di naman kami friends (sabi nya). But, I am most thankful to her for saving my ass, couple of times already.

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now