XLV - This Kind of Love

4.8K 191 20
                                    

Vote na muna kasiiiii!!!! ✌️

Mga nabitin sa SPG jan. Saka na ulit ang landeeee!!! 😂😂😂

Jema

Nagising ako na ramdam ang onteng kirot sa ulo ko. Ah, yes. Naparami nga pala ang inom namin kagabi.

Speaking of namin, tulog pa si Wong. Nakayakap pa nga sakin oh. Ang swee...

Shit! Wait...

Parang...

Kagabi...

I couldn't help but blush nung naalala ko yung kagabi! Yes, nakainom ako not enough para makalimot. Shit!

What was I thinking? Parang sobra ata yung...

Ayan na naman yung pisnge ko na lalong namumula pag naaalala ko ang ganap.

OA na kung OA. Pero yun na ang pinaka malayong naabot ko sa side na medyo SPG.

How am I gonna face her? I mean, sya ang nag simula pero I didn't stop her!
Omg! Ang SPG namin kagabi!

Did I like it???

Yes!

Napa facepalm na lang ako tuloy.

Dahan dahan kong, hinawakan ang kamay ni wong na nakayakap a sakin at akmang aalisin ito. Sana wag syang magising...

"Hmmm... Good morning...."

And I failed.

"Uhmm.. Gu... Good morning..." Mahinang sagot ko dito.

Ngumiti lang ito at lalo pang hinigpitan ang yakap sakin. Siniksik pa nga ang muka nya in between my neck and collar bone. Parang kaga...

Naalala rin ata ni Wong ang nangyari kagabi kasi bigla itong bumalikwas at napaupo.

"Sorry." Mahinang sabi nito.

Parahes kaming hindi makatingin sa isa't-isa...

Awkward...

"Wala yun." Maikling sagot ko na lang.

...

...

...

"Uhmmm.. Gusto mo ng... coffee?" Nahihiyang tanong ko dito.

"Sure... Sure..." Nahihiyang sagot rin nito. "Good idea."

...

...

...

"So uhmm....." Pagbasag ni Wong sa katahimikan.

Sa sobrang kaba ko na ma ungkat yung kagabi bigla akong tumayo ng kama, "Mag iinit na muna ako ng tubig pang coffee. Gusto mo rin ba ng instant noodles para sa sabaw?"

Napatingin sya sakin na parang nababasa nya ang ginagawa ko, "Uhmm.. Okay."

Dali dali akong lumabas ng kwarto at sinara ang pinto nito pagkalabas. Napasandal ako sa pinto at napa hawak sa bandang puso ko.

Sobrang lakas ng kabog. Sobrang kinakabahan ako.

Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko papuntang kusina para magpainit ng tubig.

Kumuha ako ng dalawang mug at nilapag ito sa mesa. Naghanap na rin ako sa cupboard kung may cup noodles pa. Nung may nakita akong dalawa, agad ko iyong kinuha.

"Ready na ba yan?"

"Ay! Ready na sa kiss!" Gulat na sabi ko! Nabitawan ko pa yung hawak kong cup noodles!

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now