II - Facial

5.5K 194 1
                                    

Vote muna bago basa!

________

The game started and obviously lamang yung kalaban. They won Two sets already and obviously total massacre sa score na 25-10, 25-15. Sangkatutak na stare down ang inabot namin mula sa kalaban lalo na sa Queen na yun. Nakakainis kasi name pa lang feeling na feeling na nya!!!

Third set na and surprisingly dikit ang score, 23-24. Ang pinaka nakakagulat lamang kami ng isa. Sobrang in the zone ako at alam kong maganda naman ang nilalaro ko. Hindi nakakapag angas yung maarteng babae ngayong third set.

Rachell, my teammate, served the ball. Nasalo naman to ng libero ng kabila. Papunta sa setter nila. If I was their setter, alam ko kung kanino ibibigay yung bola. Of course sa highest percentage scorer nila, si bruha.

Tumakbo ko agad sa side kung nasan sya and I was right, sa kanya nga sinet. I saw her fly high at alam ko na malakas yung palong paparating pero I'm not afraid. I jumped the highest I could and stood my ground.

Alam mo yung parang nag slow motion? Ganon ka intense. Tumahimik yung paligid. Naramdaman ko na lang na tumama sa mga braso ko yung bola and nablock ko. Nag drop sa court nila down the line.

Bumagsak si Queen at muntik na mapaupo. Kita kong gulat na gulat sya.

Pumito ang  referee. We won a set 23-25!!! The crowd got wild!!! Ansarap sa pakiramdam.

This time sinigurado kong isampal sa muka nung mayabang na na block ko sya at hindi ako magppatalo basta sa kanya.

Fourth set started and the game was close. Back and forth paulit ulit. Aaminin ko, malakas talaga yung Queen. Halos sya na lang nga gumagawa ng puntos sa kanila. Nag tie sa 15 yung score namin. I have a feeling na kung sino mauna maka score sya mananalo.

Napatingin ako kay Queen na nasa service area. Nakatingin din sya sakin na parang hinihintay nya talagang mag tama ang tingin namin. Nagulat ako nung nag smirk sya at sumenyas na naman ng, "You're dead," while cutting her throat and ending it with a thumbs down.

Kung dati na usual reaction ko ay ma excite, this time kinabahan ako bigla.

She tossed the ball high and jump served. For the first time, hindi ako nakagalaw sa kinakatayuan ko sa sobrang lakas at bilis ng service nya. Ganon din ang lahat ng teammates ko sa court. I just saw the ball touch the floor. Service ace.

Nagkatinginan kami ulit at kitang kita kong nanlilisik ang mga mata nya. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

And it happened. She dominated the game. Naka score naman kami ng 3 points pero she scored the last 9 points of her team from the service line and back row attacks. Sa score na 24-18, amin ang bola.

Alam naman ng lahat na pag nasalo nila yung service namin, kay Queen na naman ibibigay ang set. Kaya na anticipate kagad namin ni Kap yung play. We were right.

I saw her run from the outside and soared high, ahe bended her body to aim forcibly at the ball.

Tumiming naman kami ni Kap Rachell.  She hit the ball so hard making that loud slapping noise.

And then, naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa sahig. Blanko yung isip ko. I saw the ball fell to the ground and she looked at me with a smirk. They won.

Nagsigawan mga tao. I just got served. Queen just made a facial against me.

It happened so fast di ako sigurado sa nangyari kaya I closed my eyes repeating in my head kung ano nangyari.

She spiked the ball so hard as I tried to block it but failed miserably. One, naka score sya against me to finish the match. Two, na out of balance pa ko pag land ko at sobrang sakit ng pwetan ko. And worst, three, nakalimutan ko pang sabihin na sa ilong ko tumama ng pagkalakas lakas yung bola.

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now