XVIII - Aggressive Rookies

4.6K 236 70
                                    

Hi Inday! Hahahahaahahahaha

Gusto nyo na malam sino si Mayor? Ayan na dali basa agad!!! Hahahahah

Vote, follow, comment you ungrateful people.😆😄😆😄 Joke lang ah. Peace!

____

Jema's POV

Wednesday morning and surprisingly sabay parin kami ni Wong mag early jog. Hindi naman suprising na hindi sya nagsasalita. Simula pag gising wala pa syang sinasabing kahit ano sakin.

Greet mo ng good morning, titignan ka lang ng emotionless. Di ko talaga maintindihan ang pagka moody nitong isang to, takot naman sa dilim. Hahahahah!

Ganyan lang sya tahimik na tumatakbo with me. Once naman na matapos kami mag jogging and whatnot, tapos may dumating ako na ibang teammates o kahit isa lang aalis yan bigla ng walang paalam. Yung tipong nakaupo kami sa field kasi mejo nagpapahinga tapos may dumating na isa usually si Aila, bigla na lang tatayo tong si Wong. Isusukbit yung duffle bag nya tapos aalis ng wala man lang bye or thanks or see you. Malakas talaga ang tama nitong isang to!

The whole team went ahead with our training. Same thing happens after. We head to the dugout to shower and change for classes naman.

I stopped in front of my locker to get some stuff. Di na ako nagulat na may hot choco, one cheesy eggdesal and gamot sa sipon.

"Wag mo akong itapon, please. Hindi kita sasaktan. Bubusugin lang kita. -eggdesal (from Mayor)"

Bigla namang dumating si May, "Uyyy... Ano yan???"

Agad ko namang tinago ang note na hawak ko.

"Sus may pagtago ka pa ng note. Alam ko na yan db?" Sabi nito habang magiliw na kumakain.

... Ng eggdesal din.

"Ay oh! Perahas tayo!" Sabi pa nito.

Tinaasan ko ito ng kilay, "Ikaw si Mayor?!"

"Oo, ako si Mayor!"

My jaw almost dropped at di agad nakapagsalita.

"Baliw! Hindi ako si Mayor! Galing din to kay Mayor eh! Malandi pala si Mayor, binigyan din ako oh!" Dagdag nito.

Napaisip naman ako sa sinabi nya..

"Patola ka, Jema no? Binili ko to no!" Pang aasar ni May.

Juice colored. Nahihilo na ako kung sino ba talaga si Mayor!!!

At dahil gutom na ako, kinuha ko na lang ang pagkain at sinumulang kainin to.

"Shit! Jema! Nakikita ko si Mike palapit!!! Wag kang titingin!! Tara na tara na!!!"

Sa sobrang taranta ko, napatingin ako sa direksyon ni Mike tapos di ako agad nakagalaw.

Papalapit na sya...

Ayan na...

Biglang humarang kay Mike ang isang pamilyar na pigura. Likod lang nito ang nakikita ko pero kilala ko naman kung sino. Kita ko naman na ang sama agad ng tingin ni Mike. Kinabahan ako kasi yung huling meet nila sa condo, hindi maganda.

Hindi naman na nakaporma si Mike kasi biglang may binulong ito kay Mike dahilan upang umalis ito agad. Tumakbo pa.

Luh?! Ano yun?! Natakot kay Wong?!

Humarap na si Wong at naglakad papunta samin ni May.

Hindi na nag greet as usual. Instead, "Bat wala ako?" Yan ang una nyang sinabi.

"Luh! Di naman namin alam na hihingi ka!" Sagot ni May. "Oh eto. Sayo na lang." Iniaabot nya yung kinakain nya.

Nag pout si Wong. Wtf?! Ang cuteeee!!!!

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now