XXV - What's happening?

4.4K 246 56
                                    

Vote, follow! Gano kahirap yan? 😒

Hahaha!!!

Enjoy.. ✌️

----

Jema's PoV

"Grab ba tayo? I'll book one na." Saad ni May.

"No need. Let's take my car na lang." Rich kid pala talaga tong si Pen.

"Wow! Nagpapa impress ka ata kay Jema eh!" Biro naman ni May.

Napakamot lang ng ulo si Pen habang natatawa. Actually, di ko alam na mayaman pala tong mokong na to, puro kasi kalokohan lang ang pinapakita. Impressed? Not really. Wala naman kaso sakin kung mayaman or hindi.

Nagsimula na kaming maglakad habang magkakausap except for Wong. Sanay na me. Hahaha!

Pagdating sa sasakyan ni Pen, aba bagong bagong Toyota Altis. Walang kagasgas gasgas ah.

Pen unlocked her car and automatic na sumakay si Wong sa likod.

"Jema ikaw sa harap?" Tanong ni Pen.

"Sa likod na lang ako di kasi ako comfortable sa harap eh, mas nahihilo ako. Ikaw na lang May." Sagot ko naman.

Tinignan ako ni May ng may pagtataka pero di na rin nagtanong at umupo na lang sa passenger seat.

Nagsakayan na kaming lahat ng bigla na naman nagsalita si Wong, "Seatbelt, guys." Sinuot ni Wong ang seatbelt nya.

Natawa naman si Pen pero nag Seatbelt rin. Ganoon din naman si May. Ako? Hindi na. Nasa likod naman ako.

Umaandar na ang sasakyan ng magulat ako kasi bigla akong niyakap ni Wong!!!

"Luh." Nasabi ko bigla at mejo napa sandal sa upuan.

Napatingin din tuloy si May, si Pen naman napatingin naman sa rear view mirror.

Ay sorry naman. Nag assume lang ako. -.- Inabot lang pala ni Wong ang seatbelt ko.

Napansin nya na naman ata ang pagiging assuming ko kaya pagtapos nya maikabit seatbelt ko, she wore her infamous smirk.

Pahiya na naman lola nyo.

Nakarating kami ng mall ng sarado pa kaya habang nag hihintay kami na mag bukas to, napag usapan naman kung san kami mag brunch. Di pa kasi nag breakfast tapos in two hourse lunch na.

"San nyo trip kumain?" Tanong ni May.

"Jollibee!!!" Ako yan! Di naman halatang muka akong excited no? Hahahaha!

"Okay ako dyan." Simpleng sagot ni Wong.

"Okay din ako. Pasok sa budget." Pagsang ayon ni May.

"Uhmm... Pwedeng wag nman Jollibee? Jerry's Grill na lang?" That was Pen. RK!!!!

"Halagang pang studyante lang po kyah!" Pagbibiro ni May kay Pen.

"Don't worry, guys! My treat!" Sabi ni Pen. Yayamanin talaga!

Umubo naman si May sabay biro, "Ehem! Paimpress!"

Mas bet ko parin Jollibee, to be honest.

"Di nman. First time lang kasi namin lumabas ni Jema." Sagot ng isa.

"Joke lang to naman! Tara na nga, libre mo naman pala eh!" May retorted.

Sakto namang bukas na ang mall kaya pumila na kami sa entrance and papunta na sana ng Jerry's pero yung moody, humirit na naman.

"Ayoko ng Jerry's. Jollibee na lang ako. Kayo na lang don."

Napangiti naman ako kay Wong. "Ako din! Sama ko sayo Wong!" Maka Jollibee ako eh syempre!!!

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now