L - Always and Forever

11.8K 449 521
                                    

Vote muna for the last time. Hehehehe...

Enjoy.... Or... Iyak... Loljk 😂




Jema

Isang message naman mula kay coach ang dumating.

Jema, you are summoned by the Dean bukas sa office nya 10 am. I'm sure by now, nasabihan narin nila ang parents mo or guardian. Alam mo naman na siguro kung bakit. For now, spend your time wisely sa mga taong nag mamatter sayo. I'm sorry.

They know... Paano na? Yung papa ko? Baka mapano sya...

Hindi nya pedeng malaman...

Hindi ako makalagaw sa kinatatayuan ko. Kanina lang kausap ko ang parents ko pero ngayon, natatakot na ako sa mga susunod na mangyayari.

Paano na ang pamilya ko? Paano na kami ni Wong? Paano na ang papa ko? Ang pag aaral ko?

Ano...

Anong dapat kong gawin...

Out of nowhere, someone grabbed my hand at hinila ako kung saan man.

Naglalakad kami ng mabilis at likuran nya lang ang nakikita ko. Si Wong.

Agad kaming sumakay ng sasakyan nya at nagmamadaling lumabas ng Univeristy.

Parang naka slow motion ang lahat. Nagsasalita si Wong pero wala akong naririnig.

Bumalik ang lahat sa wasto ng hinawakan ni Wong ang kamay ko. "Jema, nakikinig ka ba? Sabi ko, wag muna tayong mag panic o gumalaw. Pag isipan muna natin ang lahat. Calm down."

"Your phone is ringing..." Sabi pa nito.

Si tita...

Alam nya na... Sigurado ako na malalaman na nila papa mamaya pag dating nila sa bahay. I have to convince her na itago muna kay papa.

Pag sagot ko ng telepono, "Jema, nakong bata ka. Anong gulo ba itong pinasok mo? Narinig ko lahat sa Dean nyo. Nagsinungaling ka pa daw ng harap harapan. Pauwi na dito ang mama at papa mo. Paano bang gagawin nating dalawa ha? Alam mo naman na hindi maganda ang kalagayan ng papa mo."

Nagsimula na namang pumatak ang mga luha, "Tita please. Wag nyo po munang sabihin kay papa please po. Kayo na lang po ang pumunta bukas sa school. Please...." Pag mamaka awa ko dito. "Baka po kung anong mangyari kay papa. Parang awa nyo na po."

"Iha, hindi pede ang sinasabi mo. Kailangan malaman ito ng mga magulang mo. Karapatan nila malaman ang totoo. Mas masasaktan sila pag sa iba pa nila nalaman. Kalat na daw ang pictures nyo at ang issue sa peysbuk at internet." Dagdag ni tita. "Ipapaliwanag ko ng maiigi sa papa mo ha? Dadahan dahanin ko ang balita at paliwanag sa kanya. Ikaw, magpakatatag ka dyan. Siguarodng bukas magkikita kita kayo lahat."

Hindi na ako nakasagot kasi pinatay na ni tita ang tawag nya. Agad ko rin namang pinatay ang phone ko dahil sa takot. Takot sa parents ko.

Wong squeezed my hand. "We'll get through this."

Madaling sabihin, pero hindi ko nakikita ang liwanag sa mga salitang binitawan nya this time.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras nag drive si Wong kasi nakatulala lang ako, nag iisip. Bumalik lang ang ulirat ko nung nag park si Wong.

Nauna syang bumaba tapos nagpunta sa side ko at pinagbukas ako ng pinto. She offered a hand to me. "Simba muna tayo."

She's right. We need all the prayers in this world to save us from this mess.

Inabot ko ang kamay nya at bumaba ng sasakyan. Naglakad kami papuntang simbahan. Agad rin naman nagsimula ang mass.

After communion, lumuhod ako at nagdasal in my head.

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now