XLIII - Crush

5.5K 217 17
                                    

Congratulations nuna sa ALE!!! ♥️

Tapos vote na kayo!

Sarap magbakasyon 😂

_____

Jema

Nagising kami ng maaga ni Wong. As usual, may morning jog kami and stuff.

After namin magbihis, sabay na rin kaming lumabas ng room namin. Wong being Wong, kinuha nya ng walang sabi-sabi yung duffle bag ko para dalhin ito.

Pagkasukbit nya ng bag ko sa kabilang balikat nya, agad naman nyang hinawakan ang kamay ko. Yung lola nyo, di mapigilan mag blush at kiligin.  Kung tutuusin dapat sanay na ko sa mga ganitong holding hands namin kasi kahit noon pa nagagawa na namin to. Ewan ko ba, onteng touch lang ng mokong na to, malaki na talaga ang impact sakin.

We continued walking hanggang sa field. We didn't jog for 30 minutes like we usually do. 15 lang, tapos streching na agad. Mild lang kami ni Wong this time, may game kasi sya mamayang 4 pm, tapos may 6 am mild training din sya with her team kaya we decided na onteng papawis lang gagawin namin.

30 minutes pa bago mag 6 am, kaya naupo lang kami sa field ng magkatabi.

Sakto naman na pasikat na yung araw. Ang sarap tuloy pag masdan. Di ko napigilan na ma lean ang ulo ko sa balikat ng katabi ko. Napangiti naman ako ng bigla akong inakbayan ni GS ko. Naks! GS ko!

"Ganda ng sikat ng araw no?" Sabi ko sa kanya.

"Oo. Pero mas maganda ka pa rin." Mahinahong sabi nito.

Napatingin ako tuloy dito at inirapan sya. "Ang corny mo don!"

Tinginan naman nya ko pabalik. "Masama na ba magsabi ng totoo ngayon?"

Seryoso ang loko! Di na ko tuloy nakapagsalita.

Unti unti namang hinalikan ni Wong ang forehead ko.

Promise! Sa sungit at moody nito, minsan di mo talaga maiisip na may ganitong side sya na sobrang sweet. Ang pinaka the best pa don, ako lang ang nakaka alam ng side nya na to!

We stayed like that for a while, nakatingin lang sa langit at sa rising sun.

10 minutes before 6 am, "I have to go." Paalam ni Wong kaya tumayo na ito. Sa gym nga kasi ang training nila. Isa isa na rin naman nagdadatingan ang mga teammates ko.

Bago ito tumalikod, "Suot mo jacket ko ah sa game ha! Di lang basta support yan ng isang kaibigan! Girlfriend na kita kaya wear it proud!" Malakas na sabi nito enough for my teammates to hear.

"Naks!"

"Ang aga ang sweet ha!"

"Sweetness overload!"

Ilan sa commento ng iilang teammates ko na nandito na.

"Of course! I'm always proud of you naman eh!" Sagot ko dito.

Nag kanchawan na naman ang mga teammates ko sakin.

Sa totoo lang, nakakatuwa si Wong kasi she never hides her feelings for me simula ng naging kami. Mas lalo tuloy nakaka fall. Yung feeling na, wala syang planong itago yung meron kami. Loud and proud ika nga.

After 2 and a half hrs of training, we all headed back to our rooms na.

Sabay sabay naman kami naglakakad nila Captain Jessica, Raven, May and Trish.

"What time tayo pupunta ng arena to watch their game?" Tanong ni Trish.

"Kahit mga 2:30 pm na siguro." Sagot naman ni Jessica.

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now