XLIX - Meet the Parents?

5.5K 259 97
                                    

Hi Inday! Wala pang next chapter. Hahahahahahah

Boto muna mga kafatir!

As promised. Pag di bumoto, wala ng update. Hahahahahaha!

Seryoso 🙄

---

Jema

Ang bilis dumaan ng araw. Sabado na naman. This time, sila Wong naman ang may game against Amridge Univeristy.

Parahas naman kami ni Wong na kasama ang mga teammates namin. Sila in preparation for their game mamaya. Kami naman, as usual, training lang.

After gruesome hours of training, nakaupo lang ako sa locker at inaayos ang gamit ko. Tapos na din kasi ako mag shower nang biglang mag ring ang phone ko.

Mama calling...

Kinabahan ako tuloy bigla. Usually, through skype, messenger or viber kami nag kakausap eh. This time baka phone call.

Sinagot ko agad ang tawag, "Ma, napatawag po kayo? Baka lumaki ang bill nyo nyan bigla." Biro ko pa dito. Uso kasi samin magtipid. Mas mura pag via internet yung calls or video calls di ba? Hahaha

Hindi agad nagsalita si Mama...

"Ma...? Hello?"

.

.

.

"Anak, wag kang mabibigla ha? Yung papa mo kasi..."

"Ano po ma?!"

"Namild stroke kasi sya kahapon. Okay naman daw sya at hindi na apektuhan ang brain nya. Pero nag usap na kami ng papa mo at nagdesisyon na umuwi na sya ng Pilipinas." Rinig na rinig ko ang lungkot sa boses ng mama ko kahit subukan nya pang itago.

Sobrang biglang lumakas ng tibok n puso ko sa pag aalala. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko lang kasi nandito pa ang buong team. "Ma...." Di ko alam ang sasabihin ko. Okay nga si papa, pero syempre. Nag aalala ako, hindi biro ang mild stroke.

"Pasensya ka na anak ha? Kailangan ng umuwi ng papa mo. Matanda na ang papa mo, hindi nya na kaya ang trabaho ditong mabigat. Sana maintindihan mo. Ikaw na naman ang may pinakamalaking sakrepisyong gagawin dito." Paliwanag ni mama.

Tumakbo ako palabas ng dugout at gym. Nagtungo ako sa gilid nito kung saan walang tao. "Mama, wala po kayong dapat ipaliwanag. Naintindihan ko po. Kahit ano pa pong kelangan gawin, magtipid o kung ano pa man gagawin ko po. Iuwi nyo na si papa." Nagsimula na tumulo ang luha ko pero sinugurado kong hindi maririnig ni mama.

"Oo anak. Tamang tama at pinayagan ako sa trabaho ko naman dito na magbakasyon kahit two weeks lang. Uuwi na kami ng papa mo sa lingo ha? Wag ka masyado mag alala. Okay ang papa po. Kailangan nya na lang talaga tumigil na sa trabaho."

Natapos ang call ng hindi ko nakalimutang ipaalala sa kanila na mahal na mahal ko sila at gagawin ko lahat para sa kanila.

Sa iba siguro hindi agad maiintindihan ang nangyayari. Hindi na mag tatrabaho ang papa ko. Si mama na lang ang mag tatrabaho. Ibig sabihin kelangan magtipid hanggang maari. Lalo na at siguradong kelangan ni papa ang tuluy tuloy na pagpapagamot.

Hindi ako nagrereklamo o natatakot. Sanay ako sa hirap.  At kaya kong tiisin lahat para sa kanila.

Pero bilang tao, di ko mapigilang maluha sa nangyayari sa papa ko at sa pamilya namin.

Nagring ulit bigla ang phone ko....

Si Wong...

I tried hard na hindi nya maramdaman na nalulungkot ako or umiiyak.

Travel Back In TimeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz