XXIX - Infuriating

4.3K 209 18
                                    

Vote, comment, follow!

Enjoy!

---

Jema's POV

Pauwi na kami from out of town ngayon. Di ko alam pano nangyari na magkakatabi ako, si Wong at May sa 2nd row ng upuan.

Si Trish talaga may kasalanan eh. Ako dapat sa likod with Pen, kaso bigla akong inunahan kasi daw di sya comfortable sa middle row. Abo na naman kayang nasa isip ng isang yun. Parehas na sila ng best friend nya na di mo maintindihan minsan.

Kalagitnaan ng byahe at kita ko sa peripheral vision ko na naka lean na ang ulo ni May sa balikat ni Wong tapos tulog. Si Wong naman naka cross lang ang arms nya at nakatingin sa daan. Deadma lang as usual. Ni hindi mang lang alisin!!!

Oh eh bakit ka naiinis?!

Wala lang. Pake mo bang isip ka?!

Baliw. Na. Ako.

Tahimik na ang mga kasama ko sa byahe. Tulog na si Trish at Pen sa likod. Si Jessica, tulog na rin. Si Wong, nakapikit na rin pero tuwid na tuwid ang  pwesto. Si TM na lang ang gising, malamang driver eh.

Alam kk na inaantok na rin ako kasi na sway ba yung ulo ko in all directions. Napamulat ako bigla kasi naramdaman ko na tumama ang ulo ko sa balikat ni Wong. Bigla akong na conscious kaya medyo nagising ako. Tinignan ko naman ang katabi ko pero NR pa din. Nakapikit lang at naka cross ang arms.

Sobrangggg antoookkkkk!!!!

Naramdaman ko naman ang kamay na dahan dahang dumampi sa pisngi ko at dahan dahan itong tinulak papunta sa isang balikat. Si Wong.

Sinubukan kong ilaban yung ulo ko, pero hindi nagpatalo si Wong. Hindi nya inalis yung kamay nya sa pisngi ko, dahilan para mag give in na ako at sumandal sa balikat nya. Sobrang antok na rin naman ako kaya sige na nga.

In fairness, comfortable naman talaga yung balikat nya tapos ang bango bango pa. Tried and tested ko na yan. May gusto lang umeksena. 🙄

Bago ako tuluyang makatulog, parang nay naramdaman akong labi na dumampi sa forehead ko. Kaso nagwagi ang pagod at abtok kaya medyo na deadma ko na lang.

"Guys, wakey wakey!!! Andito na tayo!!!" Sigaw ni TM.

Nakasara parin ang mata ko, inaantok pa kasi pero rinig ko ang mga kasama ko na nagsisi hikab at gumagalaw na. Rinig ko rin na may mga pinto nang bumukas, sumura at iilang bumaba.

Biglang bumukas ang mata ko kasi may bwisit na nangiliti sa ilong ko!!! Alam nyo yung may isang strand ng hair tapos pinasok sa ilong nyo?! Di ba bad trip?!

Kita ko naman ang suspect na pinipigilan ang tawa nya. Di ko tuloy napigilan at nahampas ko sya sa balikat bigla.

"Ouch!" Reklamo ng katabi ko. "Whaddya do that for?!"

Inirapan ko lang sya. Maya maya pa, biglang pinapagpag ang side ng balikat na hinigan ko.

Tinaasan ko sya ng kilay, "Napaka dumi ko ba?!"

Tinignan ako nito ng emotionless, "Hindi. May laway lang." Sabay kindat at baba ng sasakyan.

Aba't!!!!

Ayan na naman sya sa pang aasar nya! Bumalik na ata yung baliw!

Bumaba ako agad, kinuha ang bag ko at pasugod na nagpunta sa direction ng mapang asar na si Wong. Kaso na anticipate nya ata ang gagawin kaya tumakbo ito ng mabilis papunta ng dorm.

"Naghabulan na ang mya bata..." Rinig ko naman si Trish habang palayo ako sa kanila.

"Wong!!!!" Habol ko sa kanya sa hallways.

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now