XLII - Hearts

5.3K 243 62
                                    

Busy ako with fam. Hehehe! Syempre family muna di ba?

Vote muna ah!

----

Jema

Naglalakad kami papunta sa next class ko na magkahawak parin ang kamay. Ramdam ko ang mga matang nakamatyag saming dalawa. Yung iba, napapngiti sila pero syempre di mo maiwasan yung mga matang judgemental. Pwe!

Tumigil ako ng lakad at bumulong kay Wong, "You can let go of my hand kung di ka comfortable."

Tinignan ako nito at tinaasan ng kilay,  "Wala sa plano ko ang bitawan ang kamay mo the moment na sinabi kong mahal kita."

Ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko. Yieee! Kilig!!!

"You're blushing again." Pagpuna ni Wong.

Kainishhh telege twoooo.... Hahaha! Lalo tuloy ako nag blush.

Inirapan ko na lang sya pero tinawanan lang ako.

Pagdating namin ng classroom ko, nakita kami ni May na magka holding hands. Sumagi sa isip ko na bitawan ang kamay nya pero di ko tinuloy. Kung tutuusin dapat sanay na sya na naka holding hands kami ni Wong. Siguro dahil alam ko sa sarili ko na kami na tapos di pa alam ng friend ko na si May. I have to tell her soon, may pinagsamahan naman kaming dalawa eh.

Bago ako pasok ng room, "Jema..." Tawag ni Wong.

Nagulat ako kasi di ako sanay na tinatawag nya ako sa name ko. I swear, never nya pa ako tinawag sa first name ko. May iilang beses pero dahil yon sa kailangan nya akong ipakilala sa parents nya. It sounded foreign to my ears. Hahahaha!

"Hmmm?"

Ngumiti lang ito sakin, "Miss na kita agad."

Hala sya?!

"Di ka pa umaalis jan, miss agad?" Sagot ko dito.

Biglang sumeryoso ang muka nya, "I always have this feeling na longing for you. Kahit magkasama tayo. Yung parang I can't get enough of you. Ayoko ng napapalayo sa'yo."

She's so serious kaya alam ko na totoo ang sinasabi nya. Lumakas tuloy ang tibok ng puso ko. I wanted to kiss her right there and then. Lalapit na sana ako...

"Maya na ulit landian, lapit na mag start class oh!" Biro ni captain Jessica out of nowhere.

Inirapan ko na lang sya.

Wong squeezed my hand one last tapos umalis na sya.  Sabay na kami ni Captain pumasok ng room. Magkakatabi kami nila May and captain.

Akmang may sasabihin si Kap pero dumating na ang prof namin.

"Mamaya ka sakin sa training Mrs. Wong..." Pagbulong nito.

Namula tulot yung pisnge ko sa sinabi nya. Lakas din ng radar kasi ng isang to eh.

After class, paglabas ko pa lang ng classroom. Nandoon na si Wong, naka sandal sa wall.

Agad nan itong ngumiti ng magtama ang aming mga mata. Nagalakad ito agad para salubungin ako.

"How was your class?"

"Okay lang naman." Sagot ko.

Matic namang kinuha ni Wong ang duffle bag ko at notebook na hawak.

"Ehem! Ang gentlewoman!" Captain Jessica, fake coughed.

Natawa lang si Wong.

"May dapat ba kong malaman Vice captain?" Hirit pa ni Jessica.

"Uhmmm...." Di ko alam kung nasa timing ba na sabihin na ngayon kasi nandito si May. Gusto ko sana na magkausap kami ng maayos eh.

"She's mine now." Biglang sagot nung Wong.

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now