XLI - All Over

5.1K 241 91
                                    

Vote muna ah!

As promised, after 100 votes ayan update.

Ladybad321 biro lang yun ah 😂✌️ peace us!

Enjoy!!!

----

Deanna

Pagbaba ko ng sasakyan, narinig ko ang mga tinig na parang... Parang may hinaharana...

Na curious ako kaya lumapit ako sa crowd. Ay wow, may choir!

Kumakanta sila at mukang may nanliligaw ah! Moment of truth! Taray!

Paglapit ko pa dito, napatulala ako kasi si Pen at si Jema pala ang center of attraction.

Kinakanta ng choir yung Treat You Better ni Shawn Mendez at bawat lyric ng kanta ay parang sampal na tumatama sa aking muka.

Nakatayo sa gitna si Jema, may hawak na roses. May hawak pa namang isang red rose.

Nagsalita si Pen and that moment para akong biglang nabingi, lahat nag slow motion. Wala akong naririnig, para kong nahihilo.

Sinubukan kong ifocus ang mata ko kay Jema at Pen.

"Be my girl?" Huling narinig kong sabi nya.

She looked at me. For the first time in a while, nakita ko na naman ang pinaka malungkot nyang mata as if saying... Dito na lang ba?

That moment, I wanted to grab her hand. Gusto ko syang hilahin palayo kung saan kaming dalawa lang ang nag eexist.

Pero tama sya. Duwag ako.

Hindi ko rin kayang nakawin sa kaibigan kong si Pen ang pagkakataong ito na pinaghandaan nya.

Excuses! Duwag ka lang talaga!

I did what's right for all of us. Ayoko ring may masaktan o mapahiya dahil sakin.

No! Duwag ka lang na baka hindi na ikaw ang piliin nya!

I started walking away.

Rinig ko nman na nag hiyawan na ang mga tao.

I looked back, only to find Jema in tears pero naka smile. Nakayakap kay Pen tapos may binulong sya dito.

It's heartbreaking to know na I was one step late.

-----

Naglalakad ako palayo kasabay ng mga ibang mga nakasaksi ng tagpong yun. Sila nakangiti, pero yung puso ko nadudurog bg unti-unti.

Naglalakad na ako pabalik ng sasakyan.

"Hoy, Wong!!!" Rinig kong tawag ni Pen.

Huh! Ipapamuka nya pa ba na sa kanya na?

"Hoy!!! San ka pupunta?!!!" Si Pen parin na halatang sumusunod sakin.

Di ko pinansin at patuloy lang akong naglakad.

"Hoy duwag!!!" Huling sigaw nito sakin.

Sobrang napipikon na ko kaya humarap na ko sa kanya. Sa kanila. Ni Jema.

Lalo namang nadurog ang puso ko kasi nakita kong naka akbay si Pen kay Jema.

Si Jema naman umiiyak parin ng onte at nakatungo. Hindi man lang ako matingnan.

"Aalis ka na naman?!" Pen.

"Ano ngayon sayo?!"

"Aalis ka na lang na naman na wala man lang sinasabi?!"

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now