C28.2: Fractions

247 3 1
                                    

A/N: ITO NA PO YUNG PART 2 NG CHAPTER 28! SORRY GUYS FOR THE SLOW UPDATE. IT TOOK ME A MONTH BAGO MAG-UD SINCE I HAD TO GO TO THE PROVINCE DAHIL SA GRANDMA KO. SHE'S OKAY NAMAN NA. ;) 

_______________________________________

KERVIN’S POV

Fvck.

Uupo dapat ako sa tabi niya. Kaso biglang napatabi sa kanya si Lerrica. Simula kaninang umaga niya pa ako dinededma eh. Psh. Onga naman. Ano bang karapatan kong magreklamo e hindi naman niya ako boyfriend.

Umupo na lang ako sa likod at katabi ko si Warlock.

“Ay guys, naaalala ninyo ba noon nung nag-triple birthday celebration tayo noon? Yung pinagsama-sama natin birthday nila Richard, Dessery at Passel?” Pagpapaalala ni Kirsten sa amin kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

“HAHAHAHAH! Oo nga. Yun yung nakalimutan magbayad ni Dessery tapos hindi pinalabas si Justin ng restaurant.” Sabat naman ni Kath kaya natawa kaming lahat.

“Ah! Tapos nung nagpractice tayo sa bahay nila Miranda tapos may birthday pala sa kanila? Shet. Dami pagkain no’n!” Tawang tawa na sabi ni Justin.

Agad napatahimik ang mga kaibigan ko at napatingin sila sa akin.

Ha? Baket kaya?

“Uy guys. Kalma. Kakabreak lang nila ni Miranda oh.”

 Sht. Bwiset talaga tong si Michy kung makapagsalita. Naramdaman kong biglang nanigas sa pwesto si Dessery at nangingiti ngiti yung ibang mga babae at nagbubulong-bulungan.

“Speaking of Miranda, nasan na ba yon? Hindi ba sasabay sa atin umuwi ng Pilipinas yon?” Tanong ni Lerrica habang nakapatong si Dessery sa balikat niya.

“May foreigner boyfie yon no. Walang oras yon para bumalik ng Pilipinas. Too sad for you, Kerv.” Pang-aasar naman sa akin ni Kath kaya pinandilatan ko na lang siya ng mata. Di ba nila gets na si Dessery ang pinopormahan ko? O talagang nambwibwiset lang sila?

“Kilala ninyo naman kung sino mahal ko eh.” Bitaw kong salita sa kanila. At tama nga. Napatahimik ko sila!

“Saka mo na sabihin yan Kervin. Tulog yung mahal mo e.” Natatawang sabi ni Kirsten.

Damn this!

Naalala ko tuloy yung nakipagbreak si Miranda sa akin. Nah, minahal ko naman kasi talaga si Miranda. Nandoon siya nung downfall ko. Nung iniwan ako ne'tong si Des. We've been together for years.

Then suddenly bigla na lang lumitaw tong si Des ulit. At nagising na naman tong pusong binaon ko dati pa. How dorky. Pero no, I wanted to continue what Miranda and I had. Kaya naging cold ako kay Des. I don't want butterflies fluttering all over the place.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now