C23: Stay

442 8 6
                                    

October 25, 2025. 8:11 AM. (Korea Time Check)

Lumabas ako ng kwarto para makahinga ako ng malalim. Oo nga naman, kapag mag-isa ka lang talaga marami ka daw naiisip na hindi maganda. Agad kong ni-lock ang pinto ng kwarto ko at umamba ng bababa ng hagdan nang nakita kong palabas na rin ng kwarto si Kervin.

"Okay ka na?" Tanong niya saken na halatang sobra ang pag-aalala.

Nginitian ko siya. "Oo naman. Pasensya na pala kagabi. Mukhang marami pa tuloy sa inyo ang nag-aalala para saken. Nadistorbo pa sila kagabi." Totoo nga na marami sa mga babae kong kaibigan ang nag-alala. Iniisip ko kung nag-aalala ba sila dahil baka buntis ako o dahil baka masayang nang hindi sinasadya ang virginity ko?

Huminga siya ng malalim.

"Alam mo Des, never kong inexpect na ikaw yung tipo na babae na magse-settle for a one night stand." Sabi niya saken pagkalagay ng kamay sa loob ng bulsa.

ONE NIGHT STAND? ANO DAW?

"Hoy Kervin, di ko ginusto yon. Nakatulog ako. Di ko alam kung anong nangyari. End of the story." May halong inis ang boses ko. Dapat di ko to prinoproblema ngayon e. Hay bwiset. Paalis na sana ako nang hinawakan niya ang balikat ko.

"Di ko naman sinabi na ginusto mo yon eh.. Ang sinasabi ko lang---"

Di ko na siya pinatapos ng pagsasalita at agad na inalis ang pagkakahawak niya saken.

"Na ano? Na wag ako sumama sa kahit sinong lalaki ba? I'm already 27, Kervin. I can take care of myself."

Umalis ako sa pagkakatayo namin sa may hagdan at dumiretso palabas ng hotel. Siguradong hinihintay na kami nila Michy at Warlock.

________________________________

October 25, 2025. 10:17 am. (Korea Time Check)

"GAHD, sana talaga sinama natin si Caervie at Midge eh. Mas kabisado nila ang mga daan dito no."

Puro pagrereklamo ang narinig namin mula kay Nathalia na halatang inis na inis dahil paikot ikot na lang ang daan namin.

"Ano gusto mo gawin ko? Magteleport tayo papuntang airport?!" Sabi naman ni Justin na naiinis na din sa paikot ikot na ginagawa namin sa loob ng van na pag-aari nila Midge. Mabuti at yung iba ay nasa kabilang van kundi maraming magkakainisan hay.

"Bakit kasi di ka na lang magtanong ng directions, Justin?" Tanong naman ni Katherine na mukhang nagpakalma kay Justin.

"Ang tanong maiintindihan ba nila ako? Eh yung street signs nga di ko rin maintindihan eh." Sagot naman ni Justin pagkahampas sa manibela.

"I-text nyo si Lawrence. Marunong magKorean yon." Sabi naman ni Lerrica.

Natahimik lahat nang biglang nagsalita si Kervin na nasa likuran naming mga babae.

"Diretso ka lang pre. Tas pagdating sa highway, may mapagtatanungan na doon." Sabi ni Kervin kaya napunta lahat ng atensyon namin sa kanya.

"Bwiset naman pre, ngayon ka lang nagsalita dyan." Pagdabog ni Justin na kinatawa ng mga babae. Habang nagpatuloy sila sa pagtatawanan ay nakatoon lang ang mga mata ko kay Kervin na tahimik buong magdamag ng byahe papuntang airport.

_______________________________________________

October 25, 2025. 12:24 NOON. (Korea Time Check)

CHANGE: Ten Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon