C25: Haywire

319 5 3
                                    

Dahan - dahan kong nilagok ang isang basong vodka na binigay sa akin. Wala naman akong magagawa kung hindi tanggapin ang nangyari kanina. Damn! Kaya hindi dapat nasa iisang tropa ang mag-ex eh. Nababalik ang mga bagay na dapat wala na. Tapos na.

Napatingin ako sa table ng mga lalaki. Kitang kita ko kung paano titigan nila Richard at Caervie yung mga revealing na damit ng mga babae sa bar na 'to. Ang hirap sa mga lalaki sa katawan lang lagi nakatingin.

"Grabe magpapaka wasted ba tayo ngayong gabi? For Pete's sake, we're almost 30!" Lasing na pagkakasabi ni Kirsten sa amin. Noong high school kami, may pagka bad girl siya. Sanay sa inuman yan hanggang sa nagfourth year kami. Bigla siyang tumino. Lalona rin nung naging sila ni Blue.

"Oy girls. Ngayon lang tayo magpapakalasing ha? Mamaya magkabuntisan pagkarating sa hotel jusme. Patay tayo sa may mga asawa dito." Tawang tawang sinabi ni Midge sa amin. Kitang kita naman na dinidistract lang niya sarili niya dahil sa paglalandi ni Caervie sa pagtingin sa mga asses ng mga malalanding babae sa bar na 'to.

"Oh gosh, tingnan ninyo!" 

Napatingin kami sa direksyon na tinuturo ng naghyhysteric na si Kath.

Halos masamid ako sa pang-apat kong shot ng vodka nang makita ko na nakikipaghalikan si Richard sa isang napakasexy na babae. Sa kabilang side naman ay si Arjie na nakikipagsayaw sa isang babaeng naka-bra na lang. Seryoso? Nude bar ba to?

"Haynako guys. Bago pa ako malasing puntahan ko na si Paolo. Mamaya makipag dry hump pa sa iba yon malilintikan saken yon." Agad agad na sinabi ni Melissa nang makita kung anong ginagawa ng mga lalaki kong kaklase dati.

"Hahahaha. Damn this. Boys lang ang nag-eenjoy." Pagpipigil sa pagtawa ni Michy habang kumakain ng inorder niyang club sandwich.

"Hey stop there. May asawa kang nandito. Sa kanya ka mag-enjoy." Napatingin kami kay Warlock pagkasabi ko no'n. Nakatunganga lang siya sa pader na mas lalo naming kinatawa.

"Oo na sige na puntahan ko na din asawa ko. Di naman kasi marunong lumandi sa iba yon eh. Haynako girls, hanap na din kayo ng loyal." Napatingin sa akin bigla si Michy. "Lalo ka na Des. Hayup ka talaga 27 ka na." TInapik niya ako bago puntahan ang asawa niyang nakatingin lang sa pader.

At doon siguro ako natauhan.

Biglan nagring ang phone ko. Binalak kong hindi sagutin kaso pag natapos magring ay magriring ulit. Kinuha ko 'to sa bag at sinagot. Galing Viber pa.

"Hello?"

"Dessery."

Punyeta. Kilala ko talaga kung kaninong boses 'to.

"Buti tumawag ka pa. Kala ko ba nasa ibang bansa o lugar ka na? Palibhasa kase nakuha mona sa akin kaya iiwan iwan mo na lang ako gago!" Nabasag ang boses ko sa madiin kong pananalita sa kanya kaya napatingin mga babae kong kaibigan. Lumayo ako ng konti para di nila marinig.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now