C3: Work Hours

1.4K 13 10
  • Dedicated to Karen Bataller
                                    

A/N: HELLO GUYYYS. GUSTO NYO BA MALAMAN KUNG ANO HITSURA NI PALO DE OCAMPO? LOOK AT THE MULTIMEDIA SECTION AT THE RIGHT SIDE OF THIS SCREEN. *u* YESS. GALING SIYA SA K-DRAMA NA REPLY 1997's Kang Joon Hee ♥ GWAPO NO LOL. HAHAHA.

_________________________________

June 26, 2025. 6:30 am.

Ugnnn...

Parang tumitibok yung utak ko. Nararamdaman ko beats ng pulse ko. Binangungot ba ako? Psh. Whatever. Mag-aayos na muna ako. Ayoko ma-late. Hectic pa naman schedule ko this week tapos nagday off pa ako kahapon. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako dumiretso kusina. 

Wala masyadong pagkain dito sa bahay. Hindi naman kasi ako dito lagi kumakain. Madalas sa labas. At saka wala akong oras para magluto ng matagal. Maraming kailangan gawin. As in sobra. Binuksan ko yung ref. Kalahating coke, ma-eexpire na tinapay at mga pira-pirasong sibuyas at kamatis. Meron din namang tatlong cup noodles sa may shelf. Unhealthy na ata ako.

Ring

Ring

Ring

Ring

Ring

May tumatawag saken ng ganito kaaga ughh.

"Hello?" Sambit ko sa cellphone kong napulot ko lang kung saan.

"Hulaan mo kung sino 'toooooo ~"

Wala akong oras para manghula kase alam na alam ko yung boses na to kahit matagal na kaming hindi nagkita.

"Baliw ka, Kirsten. Ang aga-aga nambubulabog ka. Problema mo?" Nakangisi akong nagsalita. Di ko naman inexpect na agad-agad tatawag 'tong bruha na 'to. Baka may pasok din siya.

"Kanina pa ako gising loka. May pinag-aaralan kase akong kaso ngayon. Eh tapos naaalala ko na naka-save yung number mo sa cellphone ko kagabi kaya ayun nambulabog ako agad." Ringi na rinig ko halakhak niya sa pagtawa. Mukhang maayos marriage life netong babaeng to ah.

"Baliw. Osya, magkita na lang tayo mamaya at may pasok pa ako. Magkikita kami ng President ng Ozford, Inc. para sa merging ng kompanya." Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa upuan.

"Ozford? Teka, parang may naaalala akong kaklase natin dati na associated dyan eh. Osige, byeee." Binaba na ni Kirsten yung phone.

Hindi ko masyado na-gets yung sinabe niya about sa may kaklase kami na associated sa Ozford. Ang cool naman no'n. Napatingin ako sa orasan at almost 7 am na pala. Kelangan ko na mag-ayos.

_____________________________________

June 26, 2025. 7:30 am.

"Shet!"

Di ko napigilang mapamura. Nasa may highway na ako nang may mag overtake sa kotse ko at nabangga ang side mirror ko. Geez, hindi niya alam kung magkano ang perang niluwa ko para mabili 'to. 

May kumatok sa bintana ng kotse ko. Aba'y tama lang naman na siya ang magkusang loob na kumausap saken matapo ng ginawa niya sa kotse ko. Ugh, seryoso banas na banas ako. Pero mukhang gwapo siya ah. Natatakpan nga lang shades ang mata niya. Kahit makapal ang tint ng kotse ko, nakikita ko na moreno siya.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko. 

"Teka, Dessery, ikaw ba yan?"

Ang baba ng boses. Halatang sanay sa mga interviews. Kaboses ni Dingdong Dantes. Tinanggal niya shades niya para makita ako ng mabuti. Wait. Wait. Wait. Wait.

CHANGE: Ten Years AfterWhere stories live. Discover now